^

Punto Mo

EDITORYAL - Dept. of Agriculture, kilos sa mga itinapong baboy!

Pang-masa
EDITORYAL - Dept. of Agriculture, kilos sa mga itinapong baboy!

NAUUSO na naman ang pagtatapon ng mga baboy. Noon ay sa ilog lamang itinatapon pero ngayon, sa dagat na. Ang mga tinapong baboy ay hinihinalang may African Swine Fever (ASF).

Noong Sabado, natagpuan ang maraming patay na baboy sa baybayin ng Bgy. Estrella, Naujan, Oriental Mindoro. Bago iyon may mga natagpuan ding baboy sa dalampasigan ng Pola, Or. Mindoro. Mas marami ang nakita sa Naujan, na umabot na sa 20. Sabi ni Naujan Mayor Mark Marcos, isang mangingisda ang nakakita na may isang barko na may kargang mga baboy na galing Iloilo ang nagtapon ng mga baboy. Ipinalibing na ang mga baboy, ayon kay Mayor Marcos. Bago inilibing, kumuha umano ng samples ang mga opisyal para ipaeksamin kung may ASF ang mga baboy. Hindi pa lumalabas ang resulta. Nag-aalala ang mga nag-aalaga ng baboy sa taga-Oriental Mindoro sapagkat walang kaso ng ASF sa probinsiya.

Hanggang ngayon, wala pang inihahayag ang Department of Agriculture (DA) tungkol sa mga itinapong baboy sa Naujan. Wala pa ring resulta kung positibo sa ASF ang mga baboy. Nararapat gumawa ng hakbang ang DA para matunton ang mga responsible sa pagtatapon ng mga baboy sa dagat. Kung may ASF ang mga baboy na nakita sa Naujan, delikadong kumalat ang sakit. Nasa peligro ang mga nag-aalaga ng baboy sa Min-doro. Mawawalan sila ng hanapbuhay. Lalong magiging mahirap ang kalagayan lalo’t panahon ng pandemya.

Ang kaso ng ASF ang dahilan kaya mataas ang presyo ng baboy sa Metro Manila ngayon. Nasa mahigit P400 ang bawat kilo ng baboy. Iminungkahi na ang price freeze sa karne ng baboy at iba pang produkto.

Kumalat na ang ASF sa Metro Manila at Luzon noong Setyembre 2019. Maraming namatay na baboy sa Marikina, Rizal at Guiguinto, Bulacan. Maraming patay na baboy na itinapon sa Marikina River.

Ayon sa DA, nakarating ang ASF sa bansa dahil sa mga pork na dala ng mga foreigners na naka-check in sa mga malalaking hotel. Ayon sa DA, ang mga tirang pagkain sa hotel ay kinokolekta ng mga may-ari ng babuyan at ito ang pinakakain sa mga alaga. Dito nagsimula ang ASF.

Ngayo’y eto na naman ang nakikitang problema. Dapat kumilos habang maaga ang DA sa pagmonitor sa mga nag-aalaga ng baboy. Maaaring hindi na inirereport ng mga ito kung may sakit ang kanilang mga alaga at kapag namatay ay itatapon na lamang. Kakalat ang ASF at huli na para makontrol. Walang pinagkaiba sa COVID na nararanasan ngayon.

vuukle comment

MEAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with