^

Punto Mo

May krimen o wala?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Lumilinaw na nga ba ang kasong pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa inilabas na pangalawang autopsy report ng PNP?

Sa inilabas na report ng medico legal officer na si Lt. Col. Joseph Palmero, na isinumite na sa Makati prosecutor’s office, natural cause ang sanhi ng pagkamatay ni Dacera dahil sa ruptured aotic aneurysm.

Lumalabas na walang naganap na homicide o sa madaling salita hindi pinatay si Dacera.

Malinaw, natural death ang pagkasawi nito. Lumaki ang puso nito na tumimbang ng nasa 500 grams na malayo sa 300 grams na normal na laki ng puso.

 “Manner of death as homicide is ruled out in Dacera’s case because the aortic aneurysm is considered a medical condition. Rape and/or drug overdose will not result to the development of aneurysms,” nakasaad sa medico-legal report ni Palmero.

Maging sa isinagawang drug test sa labi ni Dacera, lumalabas na negatibo ito sa anumang ilegal na droga.

Maging sa anggulo ng rape, na bagama’t hindi direktang nabanggit na report, ayon sa ilang impormante wala ring nakuhang anumang  palatandaan na magpapatibay dito.

Ngayon ang huling tanong dito, may krimen ba o wala sa pagkamatay ng flight attendant.

Naging kontrobersiya ang kaso kung saan agad na sinampahan ng kasong rape with homicide ang higit sa sampu niyang kaibigan na kasama sa party noong New Year.

Sa ngayon may hiwalay na imbestigasyon dito ang National Bureau of Investigation (NBI), na sa una nilang pahiwatig eh may naganap daw na krimen sa kaso ni Dacera.

Paano kung iba ang maging resulta ng kanilang imbestigasyon?

Ito ngayon ang hinihintay at kung malayo ito sa resulta ng PNP, malayo pa ring malinawan ang kaso.

Hihintayin din natin dito ang magiging desisyon ng piskalya na siyang titimbang sa mga inihaing ebidensya.

 

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with