^

Punto Mo

Hindi ako susuko (112)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PUMASOK sa kanyang opisina si Reagan. Nakaupo na ang babae sa sil-yang nasa harap ng kanyang mesa at abala sa kanyang mamahaling cell phone.

Bago pa nakapagtaas ng tingin ang babae, nasa kanyang mesa na si Reagan.

Saka lamang nagsalita ang babae na walang iba kundi si Thelma, ang anak ni Sir Abe na lumait-lait sa kanya may 15 taon na ang nakararaan.

“Hi good morning. I’m Thelma Jefferson. Ako yung nais bumili sa Sir Abe pain-ting. Hihingin ko ang permission mo. Babayaran ko kahit magkano ang painting.’’

Ngiti lang ang sinagot ni Reagan. Nasa tinig pa rin ng babae ang pagmamataas. Para bang lahat ay maaring bayaran ng kanyang pera.

“Name your price at babayaran kita ngayon din,” sabi pa ng babae at inayos ang pagkakaupo sa silya. Nag-cross legs pa ito na para bang tiwalang-tiwala na makukumbinsi niya ang kausap.

Ngumiti-ngiti lang si Reagan pero sa totoo lang, ngiting aso iyon na para lamang sa babaing kaharap. Ito lamang ang ngiti na nararapat sa mapanlait na si Thelma.

‘‘Hindi ko ipinagbibili ang Sir Abe painting Mam. Kahit magkano pa ang i-offer mo, hindi ko ipagbibili!’’

Biglang napatayo si Thelma. Para bang hindi nagustuhan ang sinabi ni Reagan.

“Bakit hindi puwede? Baka hindi mo alam kung gaano ako kayaman?’’

Ngumiti lang si Reagan. Relax lang siya.

‘‘Sabihin mo ang presyo ng painting para matapos na ito.’’

Tumayo si Reagan.

“Hindi mo na ba ako nakikilala Mam Thelma? Napa-kaikli naman ng memorya mo. Hindi mo na natatandaan ang estudyante na nilait-lait mo habang nakaburol ang iyong ama. Hindi mo na ba natatandaan yung sinabihan mo noon na nag-ubos ng pera ng iyong ama? Balikan mo ang nakaraan, Mam Thelma…’’

Napamulagat si Thelma.

Pilit inaalala ang nangyari noon.

Saka…

“Ikaw si Reagan?’’

(Itutuloy)

vuukle comment

HINDI AKO SUSUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with