^

Punto Mo

DSWD, ibigay n’yo ang P100k ng centenarian!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ANO kaya ang nasa utak ng mga mambabatas sa paggawa ng ating mga batas? Ano kaya ang kanilang tunay na intension?

Itong Republic Act No. 10868 (Centenarians Act of 2016) na magbibigay umano ng cash incentive na P100,000 sa senior citizens na umabot ng 100 taong gulang.

Ayon sa batas na ito na isinulat ni Senator Ralph Recto, layunin ng Centenarians Act na bigyan ng pugay at kahalagaan ang ating mga centenarian.

Ang problema, may butas ang batas na ito. Walang mananagot kung sakaling hindi maibigay ang cash assistance ng centenarian.

Kung hindi pa nagreklamo ang isang centenarian mula Cabuyao, Laguna sa Bitag, hindi malalantad ang iregularidad na ito.

Apat na buwan ng naghihintay ang matanda at kanyang anak sa P100k na nakasaad sa batas. Pampagamot sana ito ng centenarian.

Sagot umano ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) kay lola, walang pondo. Anumang tanggapan ng OSCA ay nasa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Inilapit ko ang kaso na ito kay Senator Aquilino “Koko” Pimentel III, at nagpintig din ang kanyang tainga nang malaman ang dahilan na kawalan ng pondo.

Aniya, may bukod na budget na nakalaan para sa mga centenarian kaya hindi ito dapat ginagalaw para sa ibang bagay.

Taun-taon daw ay may pinapasang detalye kung ilang senior citizens ang aabot ng P100k kaya’t kasama ito sa National Budget.

Dagdag ni Pimentel,  dapat daw itong maimbestigahan kaagad.

May ilang senador na gusto pang amyendahan ang Centenarian Act. Imbes 100 years old ay gawin na lamang daw 80 years old na maibigay ang P100k.

Hindi naman daw kasi karamihan ay umaabot ng 100 years old. Mga putok sa buho, kung yun ngang 100-anyos na matatanda hindi pa maibigay ang pera, lakas pa ng loob niyong babaan.

O, DSWD, mukhang patay-patay na naman sa tanggapan n’yo?  Kayo ang pangunahing ahensiya na dapat mag-release ng budget na ito.

Sinubukan kayong tawagan ng BITAG, nagturuan pa kayo. Nangako kayong magpapainterview, pero sa oras nang talakayan hindi na makontak.

 

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with