^

Punto Mo

Nagkasibakan na sa kaso ni Dacera!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Bigla-biglang umikot ang roleta.

Na kung dati sila ang nag-iimbestiga, ngayon sila ang nawala sa eksena.

Patungkol ito sa mala-kontrobersiyal na pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera matapos ang isinagawang party sa isang hotel sa Makati noong New Year.

Kamakalawa kasi, tuluyan na ngang inalis sa pwesto ang  hepe ng Makati City police,  medico legal officer at dalawang imbestigador sa kaso ni Dacera.

Inaprubahan ni PNP chief Debold Sinas ang rekomendasyon ng Directorate for Investigation and Detection Manage­ment para alisin sa pwesto ang hepe ng Makati City Police na si  P/Col. Harold Depositar dahil sa command responsibility , medico legal officer ng SPD na siyang huma­wak sa  labi ni Dacera na si P/Major Michael Nick Sarmiento at dalawang imbestigador.

‘Bungled’ na imbestigasyon ang termino na ginamit sa kaso.

Ang lahat ng dokumento at ebidensya sa kaso ay dapat na ring ilipat sa mga bagong im-bestigador na hahawak sa kaso.

 Nag-ugat ang lahat ng ito matapos na magreklamo ang pamilya Dacera na nagsabing hindi sila kontento sa isinagawang imbestigasyon.

Partikular nilang ipinunto ang  agarang pag-embalsamo sa labi ni Dacera bago isagawa ang autopsy dito.

Sa unang autopsy lumalabas na  aortic aneurysm ang ikinamatay nito kaya kailangang magsagawa ng panibagong autopsy ang NBI.

Sa kabila nito, nauna nang nagharap ng reklamong rape with homicide ang Makati police laban sa may 11 person of interest na kasama ni Dacera sa party.

Tatlo pa nga ang pinigil, at sa naging desisyon ng piskalya ay release for further investigation.

Ibig sabihin hindi pa nakumbinsi ang piskal sa mga iprinisintang ebidensya ng pulisya.

Ang mga naging puna nga dito eh mukhang nagmadali sa paghaharap ng kaso ang pulisya kahit hindi pa tangan ang mga matitibay na ebidensya .

Na maging si Gen. Sinas nga ay nagsabi pa noon na case closed na ang Dacera case, gayong wala pang naaarestong suspects at hindi pa nga matiyak kung may krimeng naganap.

Kung may mga pagkukulang man sa imbestigasyon dapat itong maging leksyon para sa mga susunod pang mga kaso.

Lalo’t nais ngayon ng command na lumikha ng mga batikan at magagaling na imbestigador na magbubusisi sa lahat ng piraso ng ebidensya at hindi ura-urada.

 

vuukle comment

CHRISTINE DACERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with