^

Punto Mo

Lalaki sa China, himalang nabuhay matapos mabagsakan ng liyabe sa ulo!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 50 anyos na lalaki ang himalang nakaligtas matapos bumaon sa kanyang ulo ang anim na pulgadang liyabe na nahulog mula sa isang building sa China.

Ang insidenteng ito ay nangyari sa Shenyang, ang provincial capitan ng Liaoning sa China.

Ayon sa kaibigan ng biktima, habang naglalakad sila  malapit sa isang 8-storey apartment ay bigla na lang may nalaglag at bumaon na liyabe sa ulo ng kanyang kaibigan.

Nang tiningnan niya kung saan ïto nanggaling, nakita niya na may isang technician sa ika-pitong palapag na nag-aayos ng aircon. Agad namang nakatawag ito ng ambulansiya kaya nabigyan agad ito ng paunang lunas bago isinugod sa Shenjing Hospital.

Ayon naman sa doktor na nag-opera sa biktima, nasa stable condition na ang biktima matapos ang tatlong oras na operas­yon upang matanggal ang liyabe na bumaon sa bungo nito.

Kinumpirma naman ng mga kinauukulan na galing nga sa isang aircon technician ang liyabe at wala pang balita kung idedemanda ng biktima ang technician.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with