^

Punto Mo

UFO, namataan sa stonehenge, England!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MULA pa noon, maraming conspiracy theorists ang nagsasabi na ang prehistoric monument na Stonehenge sa Wiltshire, England ay likha ng mga alien.

Nabuo umano ang Stonehenge noong 3000 B.C.- 2000 B.C. kaya masyadong advanced ang istrukturang ito para gawin ng mga tao noong panahon na iyon.

Kaya nito lamang mga nakaraang buwan, nabuhay muli ang mga haka-haka tungkol sa kung sino ang lumikha ng Stonehenge nang pag-usapan sa social media websites ang kumakalat na video ng isang Unidentified Flying Object (UFO) na lumilipad patungo sa lokasyon ng Stonehenge.

Ang video ay kuha ng mag-asawang sina Tash Minto at Tony Waterhouse habang sila ay nagmamaneho sa kahabaan ng A303 sa may Mere, Wiltshire.

Ayon kay Minto, may makita siyang sa himpapawid na hugis bilog na tila nababalot sa puting ilaw, kinunan niya agad ito ng video sa kanyang cell phone.

Habang kinukunan ng video, napansin niya na patungo ito sa direksiyon kung nasaan ang Stonehenge.

Dagdag pa ng kanyang kabiyak na si Waterhouse, nawala na lang na parang bula ang UFO habang pinapanood nila itong lumipad.

Matapos mag-viral ang video na kuha ng mag-asawa, lalong lumakas ang hinala ng mga netizens na may posibilidad na totoo ang mga alien.

vuukle comment

ENGLAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with