^

Punto Mo

Dacera case, lalong nagiging masalimuot!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Naku po, lalo nang naging masalimuot ang mga pangyayari sa Dacera case.

Imbes na sa pagdaan ng araw ay magkaroon na kahit kaun-ting linaw, pero sa nangyayari eh lalong lumalabo dahil sa mga naglalabasang mga bagong isyu kaugnay sa pagkamatay ng flight attendant na si Cristine Dacera.

Kamakalawa may pasabog ang dalawa sa sinasabing person of interest sa kaso.

Kung sa una nilang pahayag may anggulo ng ilegal na droga kaya nga lumabas ang mga report na drinoga si Dacera, kamakalawa bawi sila rito.

Ang siste, idiniin ang Makati pulis na umano’y nagdikta  sa kanila ng  ganitong anggulo.

Pinilit umano sila ng mga pulis na palutangin ang ganitong isyu sa kaso.

Natakot sila kaya sila napasunod.

Lumabas din ang isyu ng bugbugan daw na ang may gawa eh mga pulis.

Buwelta naman ng PNP, walang nangyaring pilitan at bugbugan at dahil nga rito mukhang posibleng madagdagan ang kaso ng 2 sa mga ito.

Maghaharap ng kasong perjury ang pulisya dahil sa pagsisinungaling umano ng mga ito.

Ipinagtataka nga ni NCRPO chief Brig. Gen. Vicente Danao, na bakit ngayon lang ito binabanggit ng mga idinadawit sa kaso.

Ilang pagkakataon nga naman na nagpa-interview, nagpa-presscon ang mga ito, bukod pa ang mga pahayag sa ibat-ibang media platforms pero walang nabanggit sa pilitan at bugbugan.

Inaasahan na ang ganitong mga pagbawi ng pahayag,  kanya-kanya nang depensa ang mangyayari,  magsiraan ng kredibilidad, may babangong  mga bagong anggulo at isyu sa imbestigasyon.

May mga bagong ebidensya din naman dawn a ilulutang ang mga pulis laban sa mga kaibigan ni Dacera na nauna nang ipinagharap ng reklamo rape with homicide.

Mukang malayo pa nga ang tatahakin ng ng  kasong ito.

At nakatakda pa lang ang preliminary investigation sa Enero 27 , dahil marami pang hinihintay  na resulta ng mga isinagawang test ang mga imbestigador.

Yung nga lang sana ay hindi makatulugan ang kasong ito, kung may naganap ngang klrimen, gaya ng unang nating nabanggit dapat may managot.

Labanan na ito ng matitibay na ebidensya, gaya nga nang ating palaging sinasabi ‘ hindi nagsisinungaling ang ebidensya’ na ito ang kailangan para makamit ang hustisya.

 

vuukle comment

CHRISTINE DACERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with