^

Punto Mo

CHR, tahimik sa banta ni Joma!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

KABIT-KABIT na setback ang inaabot ng Communist Party of the Philippines sa kamay ng gobyerno ni President Digong kaya ang desperadong si CPP founder Joma Sison ay nag-utos ng “assasination” o extra judicial killings sa mga sundalo at pulis. Marami kasing lider ng CPP ang pinatay sa robbery incidents o shootouts nitong nagdaang mga araw, samantalang daan-daan din ang sumuko para sumailalim sa kung anu-anong programa ng gobyerno.

Hindi lang ‘yan! May mga kampo rin ang mga CPP-NPA na nilusob ng sundalo at pulis at may insidente pa sa Mindanao na ginamitan sila ng smart bomb at may namatay sa kanilang hanay. Sinabi ng mga kosa ko na dahil sa dikit-dikit na accomplishment ng gobyerno ni President Digong, nag-utos si Joma na magsagawa ng “artisan operation” na sa tingin ng mga mataas na opisyal ng militar at pulis ay simpleng assasination o EJK.

Ginawa rin ni Joma ang kanyang kautusan matapos ideklara ng Anti-Terrorism Council na terrorist ang CPP-NPA kaya hilong talilong ito kung ano ang tumama sa organisasyon niya. Araguuyyyy! Hak hak hak! Bakit tahimik ang Commission on Human Rights (CHR) dito sa banta ni Joma?

Sa totoo lang, tatlong matataas na opisyales na ng CPP-NPA ang napatay nitong nagdaang mga araw at ang huli nga ay si Antonio Cabanatan, na miyembro ng Central Committee o Politburo sa Oton, Iloilo. Hindi lang ‘yan! Sa magkasanib na operation din ng militar at PNP sa PRO6, 9 NPA ang namatay nang lumaban habang sini-serve sa kanila ang 40 search warrants, at 16 ang inaresto.

Tatlo sa NPA personalities ay hindi makita sa pinagsuspetsahang lungga nila. Sunud-sunod ding sumuko ang mga NPA sa Tapaz, Capiz at Calinog Iloilo na sa huling bilang ay 127 na, di ba PRO6 director Brig. Gen. Rolando Miranda Sir? Nakumpiska ng mga awtoridad ang 47 armas, 38 explosives at 307 samut-saring bala sa mga inarestong NPAs. Umabot sa 40 kaso ang isinampa ng PNP laban sa mga naarestong suspects sa korte. Araguuyyyy!

Sa ibang lugar naman, marami rin ang nalagas sa hanay ng CPP-NPA. Mismoooo! Sa 52 taon na pakikibaka ng CPP-NPA, ngayon lang sila nakaranas ng ganitong delubyo, di ba mga kosa?

“Bring it on,” ito naman ang tugon ng matataas na opisyal ng AFP at PNP sa kautusan ni Joma. Sinabi ng mga kosa ko sa intel community na kapag lumutang ang mga assasination team ng CPP-NPA ay pagkataon na nila para makilala ang mga ito at ma-engkuwentro. Paano matakot itong AFP at PNP eh kumpleto rekado na ang armas nila sa ngayon, lalo na ang drone, at smart bombs na galing sa Estados Unidos. At may dumating pang air assets na nagbigay ng “night fighting” capability sa militar.

Hindi lang ‘yan, marami na rin ang mga Pinoy na nagrereport ng mga lungga ng CPP-NPA kaya palagi silang niri-raid at mabuti na lang at mabilis silang magtakbuhan, anang mga kosa ko sa intel community. Araguuyyyy! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Mukhang hindi na alam ni Joma sa sitwasyon dito sa Pinas dahil ang kanyang kautusan ay parang tinutulak lang ang mga bataan niya sa tiyak na kamatayan. Hindi tulad niya na nagpapalamig lang sa Netherlands at nagpakasaya gamit ang pondo na nalikom sa tinatawag na «revolutionary tax”. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with