^

Punto Mo

Hindi ako susuko (99)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MUKHANG mabait naman yung si Hillary ano Reagan?’’ tanong ng nanay ni Reagan.

“Mabait po. Siya nga po ang una kong naging kaibigan sa opisina. Wala po akong masasabi sa kanya. Mula noon ay siya ang pinakamalapit sa akin.’’

“Da-laga siya ano?’’

“Opo.’’

“Sana ay siya ang maging asawa mo, Reagan.’’

Napangiti lang si Reagan. Talagang gusto na siyang pag-asawahin ng kanyang nanay.

“Ayaw na ba ninyo sa akin Nanay at itinutulak na ako sa pag-aasawa, ha-ha-ha!’’

“Aba hindi, gusto lang namin ay magkaroon ng apo, ha-ha-ha!’’

“Darating po ako diyan. Pero ngayon ay ito munang pagpapaaral kina Clinton at Nixon ang prayoridad ko. Kapag nasa mabuti na silang kalagayan, puwede nang mag-asawa.’’

Napangiti na lang ang nanay ni Reagan.

MAY mga pagkakataon na nag-iisip si Reagan sa mga kabutihang ipinakikita sa kanya ni Hillary. Masyado itong mabait sa kanya. Walang ibang gusting kausap kundi siya.

Wala naman siyang nakikitang nanliligaw kay Hillary. Bakit kaya? Baka akala ng iba, porke at sila lagi ang magkausap ay sila na ang magsiyota. Baka iyon ang dahilan kaya walang magkalakas ng loob na manligaw kay Hillary. Maganda naman si Hillary at matalino.

Napabuntunghininga si Reagan. Ano kaya ang iniisip ni Hillary? Baka kaya naghihintay lang si Hillary ng kilos niya. Kung minsan mahirap makita ang damdamin ng babae. Mayroong itinatago.

Mas maganda siguro na obserbahan niya ang kilos ni Hillary. Kapag may nakita siyang kakaiba rito, saka siya gagawa ng hakbang. Gusto niya makita kung ano ba talaga ang damdamin ni Hillary.

Naisip ni Reagan sa panahong malaman niya ang damdamin ni Hillary, baka tapos na siya sa mga obligasyon sa kanyang kapatid at mga magulang. Malaya na siyang makakagawa para sa sarili.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

HINDI AKO SUSUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with