^

Punto Mo

Milyonaryong Nigerian, nag-viral sa social media matapos ipakilala ang 6 na asawa na sabay-sabay niyang nabuntis!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG social media influencer sa Nigeria na nagnga-ngalang Eze Nwalie Nwogu o mas kilala ng mga Nigerian netizens bilang si “Pretty Mike” ang naiulat na nabuntis nang sabay-sabay ang kanyang anim na asawa.

Nag-viral si Pretty Mike, nagmamay-ari ng mga high end night club sa Nigeria, matapos ipost sa social media app na Instagram ang kanyang litrato at video kasama ang anim niyang asawa na pare-parehong nagdadalantao.

Makikita sa Instagram post na hinihimas pa niya isa-isa ang mga tiyan nito at masaya at game naman ang lahat ng kanyang asawa.

Kahit nakatanggap ng kritisismo ang post na ito at tinutuligsa siya ng grupo ng mga Women’s rights activists sa Nigeria, nag-post pa muli si Pretty Mike ng litrato nila na magkakatabi sa kama.

Nagpa-contest pa ito sa kanyang mga followers na magpapapremyo siya ng pera kung sino ang makakapagbigay ng magandang hashtag sa kanilang kakaibang pamilya.

vuukle comment

NIGERIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with