^

Punto Mo

Hindi ako susuko (97)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

GUSTO ni Reagan na mailagay sa ayos ang buhay ng kanyang tatlong kapatid kaya palagi niyang pinaalalahanan ang mga ito na magsikap. Ang dalawang kapatid na sina Nixon at Clinton na parehong nasa kolehiyo pa ay lagi niyang pinapayuhan. Nasa third year na si Nixon sa kursong engineering samantalang second year architecture si Clinton. Mahusay ding mag-aral ang dalawa. Tama nga ang kasabihan na kung ano ang nakikita sa panganay na kapatid, yun din ang gagayahin ng mga nakababata. Nagiging role model ang panganay. Kaya kung ang panganay ay iresponsable at walang pangarap, yun din ang gagawin ng mga mga bunsong kapatid.

“Okey ba ang studies n’yo Nixon, Clinton?’’ tanong minsan ni Reagan nang umuwi siya. Kaharap din si Kennedy na noon ay naipasok na ni Reagan sa kanilang kompanya.

“Oo Kuya! Hindi namin pinababayaan ang pag-aaral. Nasa Dean’s Lists ako Kuya,’’ sabi ni Clinton.

“Ako man Kuya. Lagi akong nag-aaral. Idol ko kayong dalawa ni Kennedy,’’ sabi ni Nixon.

“Good! Ganyan nga. Huwag kayong susuko. Tingnan n’yo si Kennedy, malaki na ang suweldo. Ganyan din ang mangyayari sa inyo kapag pinagbuti ang pag-aaral.’’

“Hindi namin malilimutan ang mga paalala mo Kuya,” sabi ng dalawa.

Ang mga ginagawang iyon ni Reagan ay hindi lingid sa kanyang tatay at nanay. Napakasuwerte nila sapagkat nagkaroon sila ng mga anak na mababait, matitiyaga, matatalino at hindi sumusuko sa laban ng buhay.

At nagpapasalamat sila na ang naging pa-nganay ay si Reagan na mahusay na lider sa tatlo nitong kapatid.

(Itutuloy)

vuukle comment

HINDI AKO SUSUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with