^

Punto Mo

Lalaki sa Indonesia, binayaran ang buong flight upang solong lumipad at makaiwas sa COVID-19

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Indonesia ang nagbahagi sa social media ng mga kuha niyang litrato sa loob ng eroplanong sinakyan niya at ng kanyang asawa.

Makikita sa photos sa Instagram na ipinost ng Jakarta-based socialite na si Richard Muljadi na siya at ang kanyang asawa lamang ang tanging pasahero ng Batik Air flight papuntang Bali.

Ayon kasi sa kanya, binili niya ang lahat ng tickets sa flight upang maiwasan nilang mag-asawa ang COVID-19.

Ayon kay Muljadi, sinadya niyang pakyawin ang lahat ng mabibiling ticket para sa flight – kabilang na ang 12 business class seats at 150 economy class seats – dahil siya raw at ang kanyang asawang si Shalvynne Chang ay talagang “super paranoid” na baka sila ay mahawa ng COVID-19.

Hindi na ibinunyag ni Muljadi kung magkano ang kanyang nagastos, pero ayon sa kanya, mas mura pa rin ito kaysa mag-charter o mag-arkila siya ng isang private plane.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with