^

Punto Mo

Hindi ako susuko (96)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PAGDATING sa inuupahang kuwarto, pagod na pagod si Reagan. Nagbihis lamang at nahiga na siya. Ma­himbing na mahimbing siyang natulog.

Kinabukasan, maaga siyang nagising. Mayroon silang meeting sa isang mala­king kompanya ng telecommunications. Bago lang ang telco kaya kailangang ma­ging bongga ang mga ilalabas na advertisement. Sa kanya manggagaling ang mga ideya para sa promotion ng bagong telco. Kailangang makaakit ng customers ang mga ilalabas na advertisement. Nararapat na pagbuhusan niya ng panahon ang proyekto sa bagong kliyente. Kapag naging successful, maibabalita ang kanilang kompanya sa husay at tiyak na parang apoy na kakalat. Sa pamamagitan lamang ng bibig, mababando ang panga­lan ng kanilang kompanya at presto! Madaragdagan na naman ang kanilang kliyente.

Lumipas pa ang ilang buwan at lalo pang nakilala at tumatag ang kanilang kompanya. Nanguna sa buong bansa.

At ang pag-unlad na iyon ng kompanya ay na-credit kay Reagan. Dahil sa husay niya sa pamumuno sa departamento at hindi mapapantayang paglikha ng mga kakaibang bagay para sa promosyon, ginawaran siya ng pagkilala. Ang mismong boss ang nagbigay sa kanya ng parangal.

Pero hindi sinolo ni Reagan ang karangalan. Isinama niya ang kanyang mga tauhan.

“Nagtulung-tulong po kami ng aking staff para makaakit ng mga kliyente. Lahat po sila ay naging katuwang ko para mapaunlad ang ating kompanya,’’ sabi ni Reagan.

Pinalakpakan si Reagan ng kanyang staff sa mga sinabi niyang iyon. Napatunayan nila kung gaano kabu­ting tao si Reagan. Hindi nito binabalewala ang pagsisikap ng bawat isa. Lahat ay kinikilala niya.

Lumipas pa ang mga taon at lalo pang tumaas ang posisyon ni Reagan sa kompanya. Siya ang pinakabatang executives ng kom­panya.

Nang mag-graduate ang kapatid na si Kennedy, ipinasok niya ito sa kompanya. Gusto niya magkaroon din nang magandang buhay ang kanyang mga kapatid.

(Itutuloy)

vuukle comment

HINDI AKO SUSUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with