^

Punto Mo

Dacera case ‘not yet closed’

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Marami pa rin ang bumabangong mga katanungan sa isinagawang imbestigasyon sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Maging sa mga opisyal mismo ng PNP, may mga magkakasalungat pang pananaw sa pangyayari.

Marami ang pumuna sa  mabilisan o ‘hilaw’ na pagsasampa ng kaso ng Makati police sa mga sinasabing ‘suspect’ daw sa rape/slay ni Dacera.

Maging sa isinagawang pag-autopsy sa mga labi nito ay nagkakaroon na rin ng kontrobersya.

Dahilan nga ito, kaya sinampahan ng kaso ng pamilya ni Dacera ang medico legal officer na nagsagawa ng autopsy sa mga labi ng stewardess.

Naging tampok ang mga katanungan sa paraang pina-embalsamo umano ang bangkay ni Christine nang walang pahintulot o hindi nag-abiso sa pamilya nito.

Lalo pang lumala nang mabatid na na-embalsamo na ito, bago isinagawa ang autopsy, na ayon nga sa abogado ng mga Dacera na isang maling paraan sa paghawak ng kaso.

Humiling na rin sila ng ikalawang awtopsiya

makaraang lumabas nga sa unang autopsy na ‘ruptured aortic anuerysm’ ang sanhi nang pagkamatay ng flight attendant.

Ano nga ang protocol na dapat sundin sa ganitong mga imbestigasyon?

Isa lang ito sa marami pang katanungan tungkol sa kaso. 

Nagkaroon na rin ng sariling pagsisiyasat ang NBI na magsasagawa ng panibagong autopsy sa bangkay ni Dacera.

At kung marami pa ang  mga katanungang hindi nasasagot at nalilinawan malayo pa talagang masabing   ‘case closed’  na ito kundi masasabing halos   ngayon pa lang marahil nagsisimula ang malalimang imbestigasyon., kundi .

Aantabay ang inyong Responde sa mga magiging kaganapan ng pagsisiyasat sa kasong ito.

 

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with