^

Punto Mo

Hindi ako susuko (95)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘‘KAPAG napatapos ko na ang tatlo kong kapatid, puwede na akong bumili ng kotse. Pero ngayon, hindi muna, pataksi-taksi lang muna ako,’’ sabi ni Reagan.

‘‘Ang bait mong utol, Reagan. Sana ikaw ang na-ging kapatid ko, ha-ha-ha!’’

“Bakit?’’

“Kasi yung kapatid kong panganay, inuna ang pag-aasawa. Sa halip na tulungn si Mama at Papa sa pagpaaral sa amin e pag-aasawa ang inatupag. Suwerte ng mga kapatid mo, Reagan.’’

“Wala kasing ibang tutulong kundi ako. Ang tatay ko isang hamak na magsasaka lang at ang nanay ko, maybahay lang. Ako lang talaga ang pinagkalooban ng Diyos nang magandang trabaho kaya ako ang tumutulong sa aking mga utol.’’

‘‘Dapat sa iyo ay para-ngalan bilang mabuting anak at kapatid.’’

“Hindi na.’’

Maya-maya isang taksi ang pumarada sa tapat nila. Binuksan ni Reagan. Pinasakay si Hillary. Nang makasakay ito saka siya sumakay. Tumakbo ang taksi makaraan sabihin ni Reagan sa driver kung saan sila dadalhing direksiyon.

‘‘Linggu-linggo ka bang umuuwi sa inyo Reagan?’’

“Oo. Dati, araw-araw pero napapagod na ako kaya linggu-linggo na lang. Sabi nga sa akin ni Nanay, buwanan ako umuwi para hindi ako mahirapan. Pinag-iisipan ko pa.’’

“Saan ka nangungupahan ngayon?’’

‘‘Sa malapit lang sa  opis natin, mga 15 minutes lang lakarin.’’

‘‘Apartment?’’

‘‘Kuwarto pero malaki. Maayos naman.’’

‘‘E di okey.’’

Maya-maya nakarating na sila sa tirahan ni Hillary sa Pasong Tamo Ext.

Bumaba si Hillary.

“Babay, Reagan. Salamat sa masarap na hapunan.’’

‘‘Bukas pakakainin uli kita.’’

“Wow sige, ha-ha-ha!’’

‘‘Bye Hillary.’’

Umarangkada na ang taksi para dalhin si Reagan sa tirahan nito.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

HINDI AKO SUSUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with