^

Punto Mo

2 teenagers sa Indonesia, pinatulog sa libingan bilang parusa sa paggawa ng prank videos

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DALAWANG teenagers sa Indonesia ang naranasankung paano maging multo matapos silang parusahan sa paggawa ng nakakatakot na prank videos.

Ayon sa ulat ng isang local news agency sa Indonesia, dalawang lalaking teenagers mula sa Depok, West Java ang nagkatuwaan at nagpanggap bilang mga pocong para manakot ng kanilang mga kapitbahay at kalaunan ay i-post ang video nito sa kanilang Youtube channel.

Sa mga paniniwala ng ilang mga Indonesians at Malaysians, ang pocong ay isang hindi matahimik na multo na nababalot ng puting tela. Maihahambing ang mga ito sa isang mummy at madalas itong gamitin bilang panakot sa Indonesian horror movies.

Dahil maraming hindi natuwa sa panggagambala ng dalawang teenagers, inireklamo sila ng kanilang mga kapitbahay sa local officials at pinatawan ang mga ito ng parusa na bagay lamang sa kanilang ginawang kalokohan – Ito ay ang paghiga sa isang hukay sa sementeryo. Dahil doon, naranasan ng dalawa ang maging tunay na pocong.

Ayon sa isang opisyal ng Depok West Java, hindi naman nagtagal ang pag­higa sa hukay ng dalawang teenagers. Hinayaan na rin ang mga ito na sunduin ng kanilang mga magulang matapos mabigyan ng leksiyon.

vuukle comment

INDONESIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with