^

Punto Mo

Life pro tips

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Huwag ipagyabang sa social media ang isang proyektong tinatrabaho mo pa lang. Ibahagi mo ito kung natapos mo na. Ang pagkukuwento ng proyektong ginagawa mo pa lang ay nakakabawas ng sigasig na matapos mo ito at mapagtagumpayan.

2. Kapag hahatiin mo ang pagkain o kahit na anong bagay para sa dalawang bata: Utusan mo si A na siya ang maghati pero si B ang unang kukuha sa bagay na hinati. Sa ganitong paraan, sisikapin talaga ni A na maging fair sa kanyang gagawing paghahati.

3. Nadadagdagan ang tiwala ng aso sa kanyang sarili kung lagi mong imamasahe ang kanyang dibdib.

4. Sikapin mong ikaw ang magsabi sa iyong kakilala na nakikita ang tinga ng ngipin habang siya ay nagsasalita, may kulangot na nakasabit sa butas ng kanyang ilong, nakabukas ang kanyang zipper, may blood stain sa kanyang pants o palda para mapigilan mo ang pagdami ng taong makakakita noon.

5. Tigilan mo na ang pag-iisip ng nangyari kung kailan napahiya ka o kaya ay may nagawa kang kamalian. Hindi mo alam na wala na iyon sa isipan ng ibang tao. Ikaw na lang pala ang nakakaalaala noon. Maalaala lang nila kapag binuksan mo ulit ang topic tungkol doon.

6. Kapag nagpa-pack ka ng platong babasagin, lagyan ng paper plate sa pagitan ng mga plato para maiwasang magkaroon ng scratch or pingas ang mga ito.

7. Kapag nag-aaral ng bagong wika, alamin ang 100 words na laging ginagamit sa pang-araw araw ng pag-uusap at dito ka mag-umpisa.

8. Laging itabi sa iyong higaan ang spare car key sa gabi. Kapag may naramdamang nakapasok na magnanakaw sa bahay,  patunugin ang “alarm”. Makakatulong din ito para magulat ang magnanakaw at magdalawang isip na ituloy ang pagnanakaw.

9. Kung tinatarayan ka ng iyong kausap at hindi mo alam ang isasagot, manahimik ka na lang habang nakatitig ka sa kanyang mata. Malamang na tumigil ito dahil makakadama siya ng awkwardness.

10. Mas mabilis kumain, mas mabilis magdagdag ng timbang. Sa isang ginawang pag-aaral, ang taong mabilis kumain ay nadagdagan ang timbang ng 4.2 pounds sa loob ng 8 months samantalang ang mabagal kumain ay nadagdagan lang 1.5 pounds.

vuukle comment

SOCIAL MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with