^

Punto Mo

Hindi ako susuko (94)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANONG pagkukuwentuhan natin, Hillary e araw-araw naman tayong magkaututang dila sa opis,’’ sabi ni Reagan habang pinupunasan ng tissue ang labi.

“E ‘di yung pagkaka-promote mo. Wala ka pang ikinukuwento sa akin tungkol dun.’’

“Wala pa ba? Akala ko naikuwento ko na sa’yo.’’

“Baka hindi sa akin? Baka sa ibang tsik?’’

“Ikaw lang naman ang ba-baing kaibigan ko sa opis.’’

“Hindi mo pa nga naikukuwento sa akin. Ano bang naisipan ni Bossing at kabagu-bago mo lang sa kompanya e ikaw na agad ang hepe.’’

“Well, siguro ay dahil mas productive ako. Dedicated sa trabaho at mas matiyaga.’’

“Yun bang pinalitan mong hepe e hindi dedicated?’’

“I don’t know. Pero na-promote din siya. Kaya nga ako umakyat e dahil naakyat din siya.’’

“Pero mas may senior sa department n’yo di ba?’’

“’Yan ang ‘di ko na kasalanan, Hillary.’’

“Sabagay. Maski nga sa Supreme Court may naba-bypassed ‘di ba, he-he-he!’’

“Ako ang pinili at ‘di ko hiningi Hillary.’’

“Tama. At kung ako ang tatanungin, ikaw talaga ang dapat sa posisyon.’’

“Kasi’y kaibigan mo ako kaya nasabi mo yun.’’

Umirap si Hillary. Gusto nitong sabihin kay Reagan na higit pa sa kaibigan.

“Ba’t ka umirap?’’

“Wala.’’

“Pero alam mo Hillary    ang ganda mo.’’

“Alam ko na ‘yun ‘no?’’

“Joke lang, ha-ha-ha!’’

Kinurot ni Hillary sa hita si Reagan.

Napapitlag si Reagan.

“Lagi mo akong niloloko Reagan.’’

“Hindi na. Totoo, maganda ka Hillary.’’

Napangiti na lang si Hil-lary. Pero sa loob niya, sa kan­yang damdamin, hanggang sa pagsasabi lang ng ganun si Reagan. Gusto niya, iba naman ang mamutawi sa bibig nito.

Pero hindi yata mangyayari ang ganun.

‘‘Uwi na tayo Hillary? Ina­­antok na ako.’’

“Sige.’’

 Binayaran ni Reagan ang kanilang kinain at pagkata-   pos ay lumabas na sila.

Naghintay sila ng taxi sa labas.

‘‘Bumili ka na nga ng kotse para hindi tayo nahihirapang sumakay, Reagan.’’

‘‘Huwag muna ngayon dahil may pinag-aaral pa ako.’’

Napangiti si Hillary. Ma-buting kapatid talaga si Reagan.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

HINDI AKO SUSUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with