^

Punto Mo

Babae sa Bangkok na nagme-makeup habang nasa taxi, isinugod sa ospital matapos masaksak ng eyebrow pencil ang mata!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

TULAD sa Pilipinas, malala rin ang traffic ng ilan sa mga highway sa Bangkok, Thailand kaya normal na sa mga kababaihan doon na sa sasakyan na tapusin ang kanilang pagme-makeup upang makatipid sa oras.

Pero ang mga taong naniniwala sa kasabihang “make-up is life” ay marahil mag-iingat na matapos mabasa ang balitang ito tungkol sa isang babae na isinugod sa ospital matapos masaksak ang kanyang kanang mata ng ginagamit niyang eyebrow pencil habang sakay ng taxi sa Bangkok.

Sa pahayag ng rescue volunteer na si Thanabodee Sabbodi, bumaon sa mata ng babaing itinago sa panga­lang “Ploey” ang kalahati ng eyebrow pencil nang bumangga ang sinasakyan niyang taxi sa likod ng isang pickup truck.

Ayon pa kay Sabbodi, nang rumesponde sila sa lugar ng aksidente, himalang hindi dumudugo ang mata ng biktima at meron pa itong malay nang dinala nila sa Rajavithi Hospital habang nakatusok pa ang eyebrow pencil nito sa kanyang mata.

Sa kabutihang palad, hindi naging kritikal ang kondisyon ni Ploey ayon sa kanyang doctor, dahil sa sclera, o sa pu-ting bahagi ng mata lamang tumusok ang eyebrow pencil.

Kakailanganin lamang niyang magpahinga ng ilang araw upang makakitang muli

 

vuukle comment

THAILAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with