^

Punto Mo

Ayon sa archeologists: Height ni Goliath, kaunti lang pala ang taas sa NBA players!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG grupo ng archeologists mula sa isang unibersidad sa Amerika ang nagpahayag na ang higanteng si Goliath, ay maaaring kaunti lamang ang tangkad sa mga modern-day NBA players.

Ayon sa mga archeological findings ng mga eksperto at mananaliksik ng Brigham Young University sa Utah, nasa 7 talampakan at 10 pulgada ang tangkad ng higanteng tinalo ni David sa Bibliya.

Kaunti lamang ang tangkad nito kung ikukumpara sa tinaguriang pinakamatangkad na basketball players sa kasaysayan ng NBA na sina Manute Bol and Gheorghe Muresan na parehong may height na 7 talampakan at 7 pulgada.

Dumating sa konklusiyon ang mga eksperto at mananaliksik na ito ang height ni Goliath matapos sukatin ang mga istruktura ng siyudad ng Gath na nahukay ng mga archeologists noong 2018 sa Tell es-Safi, Israel.

Ayon kay Jefferey Chadwick, head archaeologist ng nasabing unibersidad, isa sa mga pinagbasehan nila ng tangkad ni Goliath ay ang nahukay na gateway ng lumang siyudad na may 2.38 meters ang taas.

 

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with