^

Punto Mo

Misteryosong jetpack man, nakunan ng video

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKUHANAN na ng video ang binansagang ‘jetpack man,’ na makikitang lumilipad sa taas na 3,000 talampakan sa himpapawid ng Palos Verdes, California.

Dalawang beses nang namataan ang jetpack man nitong nakaraang taon ngunit ngayon lang nakuhanan ng video ang misteryosong lalaki, salamat sa piloto ng isang eroplanong lumilipad ng malapit sa misteryosong lalaki.

Mapapanood sa video ang tinaguriang jetpack man na mag-isang lumilipad malapit sa baybayin ng California.

Hindi naman lubusang makumpirma ng kumuha ng video kung ang jetpack man na kanyang nakita ay siya ring namataan dati.

Hindi rin masabi kung totoo bang tao ang nakitang lumilipad o kung ito ay drone lamang.

Nagbukas ng imbestigasyon ang FBI at ang Fede­ral Aviation Administration ng Estados Unidos noon pang Setyembre ng nakaraang taon matapos dalawang crew ng magkaibang airline ang naiulat  na nakakita ng lalaking lumilipad kalapit ng kani-kanilang mga eroplano.

vuukle comment

CALIFORNIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with