^

Punto Mo

Pitmaster Cup, tumutulong sa mahihirap!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

TUMUTULONG sa mga mahihirap na Pinoy na may sakit sa kidney o iba pa sa kanilang dialysis ang Pitmaster Cup ng negosyanteng si Atong Ang.

Simula noong nakaraang Nobyembre, ang target ng grupo ni Atong ay makapagpagamot ng 100 hanggang 500 dialysis patients sa buong bansa. Nakipag-coordinate na rin ang grupo ni Atong sa lahat ng government hospitals, maging sa Veteran at PNP General Hospitals, para mag-donate ng dialysis machines.

Ang programa ng Pitmaster Cup ay kasama sa goal ng grupo na magbigay ng tulong sa mahihirap na Pinoy na hindi kayang magpa-dialysis. Kaya naman ginawang priority ni Atong ang pagtulong sa mga may sakit dahil mismong ang mama niya ay dina-dialysis. Iginiit niya na ang isang Pinoy ay maaaring mamatay sa loob lamang ng isang linggo kapag hindi napa-sailalim sa dialysis.

Sa pag-iikot kasi ng grupo ng Pitmaster Cup sa Pinas, nakikita nilang may ilang dialysis centers at local government hospitals ay kulang sa mga dialysis machines kaya naisipan nilang tugunan ang problemang ito. Walang gagawin ang mga pasyente at mga hospitals kundi makipag-coordinate lang sa Pitmaster Cup at handa silang tumulong. At gagawin nila ang programang ito, hanggang patuloy na nag-ooperate ang Pitmaster Cup, ang dagdag pa ni Atong. Hehehe! Para-paraan lang ‘yan, di ba mga kosa? Tumpak!

Ang pagpa-dialysis, pagbili ng makina at pag-donate ng P300 milyon sa COVID vaccine ay kasama lang sa charity program ng Pitmaster Cup, ayon pa kay Atong. Kapag may delubyo o sakuna na dumating sa bansa tulad ng pagputok ng bulkan Taal, at bagyong Rolly at Ulysses, aba andyan ng grupo ng Pitmaster Cup, na handang tumulong sa naapektuhang mga Pinoy.

Ayon kay Atong, ang pinadadala nila ay pagkain o package ng bigas, de lata at maski anong makain at libu-libong Pinoy ang nakikinabang. Hindi lang sa Bicol Region, Cagayan Valley at Southern Luzon sila nagmigay ng ayuda kundi maging sa Metro Manila tulad ng lungsod ng Quezon, Marikina, Pasig, Manila, at San Juan, aniya.

Ipinaliwanag ni Atong na hindi bola-bola kamatis ang mga tinuran niya sa itaas dahil puwede itong i-verify sa mga LGUs kung saan sila nagpamudmod ng ayuda. “At me record po kami d’yan. Kaya ko po binabanggit sa inyo ‘yan gusto lang po namin ipaalam din na ito pong mga sinasabi ko ito po ang goal namin ang tumulong,” ani Atong sa kanyang mensahe sa “Bayang Sabungero.” Hehehe! Kilalang palaban si Atong subalit may ginintuang puso din pala sa mahihirap na mga Pinoy, no kosang Dylan Carel?

Sa totoo lang, maganda ang ginagawa ng Pitmaster Cup dahil dumarami ang malalapitan ng mga Pinoy na hindi kayang tustusan ang gastusin sa kanilang sakit. Mayroong Malasakit Center ni Sen. Bong Go, may Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ni General Manager Royina Garma at nitong huli naman ay ang Pitmaster Cup ni manedyer Atong. Isama na ang pilantropong si SMC CEO Ramon Ang na hindi rin nagsawa sa pagtulong sa mahihirap at maging sa gobyerno. Mabuhay kayong lahat at sana dumami pa ang lahi n’yo. Abangan!

vuukle comment

ATONG ANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with