^

Punto Mo

Bomb sniffing dogs, ginagamit na sa Chile na taga-amoy ng pasaherong may COVID-19!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KUNG noon ay bomba, droga at mga ilegal na kontrabando lamang ang inaamoy at hinuhuli ng bomb sniffing dogs sa isang airport sa Chile, ngayon ay pati COVID-19 virus ay kaya na nilang maamoy at ma-detect!

Kinikilala ngayon bilang mga “bio detector”, ang isang grupo ng mga Golden Retrievers at Labrador sa Comodoro Arturo Merino Benítez International Airport sa Santiago, Chile. Na-train ng mga siyentipiko ang mga aso para makaamoy ng mga pasahero na positibo sa nasabing virus.

Ang mga papasok na pasahero sa nasabing paliparan ay bibigyan ng gauze pads ng mga airport health checkpoint officials at kailangan nila itong ipahid sa kanilang leeg at pulso.

Pagkatapos ay ilalagay ito sa isang glass container para ipaamoy sa mga sniffer dogs na tinaguriang bio detector. Kapag umupo ang mga sniffer dogs, ibig sabihin nito ay positibo ang pasahero sa virus.

Ayon sa mga pag-aaral, may accuracy rate na 85% hanggang 100% ang mga sniffer dogs na makaamoy ng mga indibidwal na positibo sa COVID-19.

Ngunit bago pa magkaroon ng COVID-19 pande-mic ay may kakayahan na rin ang mga ito na  makaa-moy kung may malaria, cancer at Parkinson’s disease ang isang tao.

Bukod sa Chile, sinusubukan na rin sa mga paliparan ng United Arab Emirates at Finland ang paggamit ng mga sniffer dogs para ma-detect ang pasaherong positibo sa nakakamatay na virus.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with