^

Punto Mo

Buntis na white lady’, nakita sa CCTV na nakiangkas sa isang motor sa Indonesia!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

TULAD sa Pilipinas, may iba’t ibang klase ng mga multo at maligno na pinaniniwalaan sa Indonesia, pero tulad din dito, walang makapagsabi kung totoo ba ang mga ito o likha lamang ng imahinasyon.

Noong nakaraang Disyembre 2020, naging viral ang CCTV footage ng isang hanging bridge sa Cipayung district, Depok City, West Java sa Indonesia dahil nakunan nito ang isang Kuntilanak na nakaangkas sa tumatawid na motorsiklo!

Sa paniwala ng mga Indonesians, ang Kuntilanak ay multo ng hindi matahimik na kaluluwa ng isang buntis na babae na naging biktima ng karumal-dumal na krimen o di kaya’y namatay sa isang malagim na aksidente.

Kilala ang mga Kuntilanak na nakasuot ng puting damit at nakatakip sa kanilang mukha ang mahaba nilang buhok.

Pinaniniwalaan din na nagkakatawang ibon ang mga ito upang sumipsip ng dugo ng mga babaing birhen.

Ayon sa isang residente na kakilala ang lalaking nagmamaneho ng motor na inangkasan ng Kuntilanak, namutla at nagsuka ang lalaki matapos tumawid sa tulay noong gabing makunan ang CCTV footage.

Bukod dito, matagal nang kilala ang tulay na iyon na kinatatakutan ng mga residente dahil kakaiba ang pakiramdam sa tuwing tatawid doon.

Ayaw naman magbigay ng pahayag ang mga opisyal sa nasabing lugar dahil ayaw nilang katakutan ang kanilang distrito at maging kilala ang lugar bilang pinamumugaran ng mga multo.

 

vuukle comment

INDONESIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with