^

Punto Mo

Kakaibang pagdiriwang!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Bagama’t hindi naging maingay katulad ng dati ang pagsalubong sa taong 2021 dahil sa nararanasang pandemya, masasabing may ilang positibong epekto ang naidulot ng kakaibang selebrasyon.

Sa kabila na may ilan ang hindi talaga napigilan sa paggamit ng paputok at fireworks na nauna nang ipinagbawal partikular sa Metro Manila, hindi naman ito naging kasing-ingay sa nakaugalian nang selebrasyon.

Marami ang nanibago at nalungkot dahil hindi nga nagawa ang tradisyunal na mga pailaw at pag-iingay, pero meron din na naging positibo ang pagtanggap.

May magaganda  rin kasi ang naranasan katulad na lamang una sa lahat ng lubhang pagbaba sa bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok.

Record low na nasa 85% ang naitalang New Years injuries sa pagsalubong sa 2021.

Wala ring naitalang sunog dahil sa mga paputok o fireworks.

Ang dating mga tone-toneladang basura na hinahakot pagkatapos ng pagdiriwang sa Bagong Taon eh bumaba rin, ayon sa MMDA.

Kung dati-rati ilang oras matapos ang pagdiriwang sa kinabukasan ay kita pa rin ang maru-ming usok sa kapaligiran, pero ngayon ayon na rin sa DENR hindi ganun ang naging pagdumi sa hangin.

Dahil nga sa pagyayaring ito, mukhang mas lalong ikokonsidera ng iba’t ibang ahensya ang total ban sa paputok mawala man o matapos man ang pandemya.

Eh kung magkaganito, ang tatamaan naman nang husto rito eh ang firecrackers industry na makakapekto naman sa kanilang kabuhayan lalu na ng mga manggagawa dito.

May ilan nagsasabing kontrolin na lang at huwag ang total ban at ito naman ang ating aantabayan sa mga susunod na taon nang pagdiriwang.

vuukle comment

FIREWORKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with