^

Punto Mo

Dahil sa matinding lamig, magnanakaw napasuko sa China

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGING katulong ng awtoridad sa China ang malamig na panahon doon upang mapasuko ang isang magnanakaw.

Dinatnan na ng mga bumbero ang magnanakaw na nakasabit sa bintana ng pang-anim na palapag ng isang gusali sa lungsod ng Ezhou.

Nauna nang rumesponde ang mga pulis upang hulihin ang magnanakaw na ilang beses na palang nakulong.

Tinawagan na ang mga bumbero dahil nagbanta ang magnanakaw na siya ay tatalon kaysa magpaaresto sa mga pulis.

Mabuti na lamang at napakalamig ng panahon kaya hindi nagtagal ay hindi rin nakatiis ang magnanakaw at tinanggap na ang lubid na iniaalok sa kanya upang siya ay makaakyat at makapasok muli sa loob ng gusali.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang nangyari.

 

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with