^

Punto Mo

Registered owner ng sasakyan, maaring habulin sakaling may aksidente

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Binangga po ang sasakyan ko. Noong una ay nakipag-usap pa sa akin ang driver na nakabangga at nangakong sasagutin ang repair ng sasakyan ko ngunit nitong huli ay hindi ko na siya makontak at hindi na siya sumasagot sa mga text o tawag. Hindi ko nakuha ang address niya at nang i-check ko sa LTO ang plate number ng sasakyan ay iba ang rehistradong owner nito. May habol pa po ba ako? — Bonnie

Dear Bonnie,

May habol ka pa dahil sa ilalim ng Article 2176 at Article 2180 ng Civil Code, ang rehistradong may-ari ang mananagot sa anumang pinsala na idulot ng kanyang sasakyan.  Sa ilalim ng Article 2176, mananagot ang sinumang magdulot ng pinsala dulot ng kanyang mga aksyon o kapabayaan. Dagdag naman ng Article 2180 na ang pananagutan na ito sa ilalim ng Article 2176 ay maari ring magbunga hindi lamang mula sa sariling aksiyon o kapabayaan ng isang tao kundi pati na rin sa aksyon o kapabayaan ng mga nasa ilalim ng kanyang responsibilidad katulad ng kanyang mga empleyado.

Baka nalilito ka kung paanong may kinalaman ang mga nabanggit na probisyon sa sitwasyon mo gayong hindi mo  naman alam kung empleyado nga ba ng registered owner ang driver na nakabangga sa iyo.

Applicable ang mga nabanggit na probisyon dahil ayon sa Korte Suprema sa kaso ng Filcar v. Espinas (G.R. No. 174156, June 20, 2012), ipagpapalagay ng batas na empleyado ng registered owner ang sinumang taong nagmamaneho ng sasakyan nang maaksidente ito upang ang registered owner ang sumagot sa perhwisyong dulot ng sasakyang rehistrado sa pangalan niya.

Ipinaliwanag ng Korte Suprema sa nasabing kaso kung bakit ang rehistradong may-ari ang mananagot sa anumang pinsala na idinulot ng kanyang sasakyan, siya man ang nagmamaneho nito sa oras ng aksidente o hindi, o kung siya man ang amo o ng driver o hindi.

Ang pangunahing layunin kasi ng pagpaparehistro ng ating mga sasakyan ay upang matukoy kaagad kung sino ang kailangang managot sakaling may mangyaring aksidente. Ang madalas kasing nangyayari, katulad ng naging sitwasyon mo, ay hindi na matukoy kung sino ang aktwal na nagmamaneho ng sasakyan kapag nasangkot ito sa aksidente kaya hindi na alam ng biktima kung sino ang hahabulin.

Upang maprotektahan ang karapatan ng mga biktima ng aksidente ay minabuti na ng batas na iatang sa rehistradong may-ari ng sasakyan ang pananagutan sa anumang pinsalang idinulot nito, kahit sino pa ang may hawak ng manibela nang mangyari ang aksidente.

Kaya sa sitwasyon mo, may habol ka pa dahil maari mong ihabla ang registered owner ng sasakyan base sa mga nabanggit na probisyon ng batas at desisyon ng Korte Suprema. Hindi naman siya lubos na agrabyado dahil maari naman niyang habulin at singilin ang mismong driver na nakabangga sa iyo para mabawi ang ipinambayad sa iyo.

 

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with