^

Punto Mo

Nag-resign na empleyado, makakatanggap ba ng 13th month?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Matapos ang dalawang taon po sa trabaho ay nag-resign na ako nitong katapusan ng Nobyembre at hindi ko pa po nakukuha ang final pay ko. Iniisip ko lang po kung may kasama bang 13th month ang matatanggap kong final pay kahit hindi na ako empleyado ng kompanya? —Leo

Dear Leo,

Oo, dapat ay may 13th month pay na kasama sa final pay na matatanggap mo. Ayon sa Rules Implementing the 13th Month Pay Law, ang 13th month pay ay katumbas ng 1/12 ng kabuuang suweldo na natanggap sa isang calendar year.

Wala ring nakalagay sa batas na kailangang isang buong taon ang ginawang pagseserbisyo ng isang empleyado upang siya ay makatanggap ng 13th month pay kaya ibig sabihin, may karapatan kang makatanggap ng 13th month pay kahit nag-resign ka bago matapos ang taon.

Upang malaman mo kung magkano ang dapat na halaga ng 13th month pay mo, kailangan mo lang i-kompyut kung magkano ang lahat-lahat ng sahod na natanggap mo mula Enero hanggang sa buwang nag-resign ka. Matapos mong makuha ang kabuuang halaga na ito ay kailangan mo lang itong i-divide ito sa 12 upang makuha kung magkano ang 13th month pay na maari mong matanggap base sa itinagal sa trabaho.

Halimbawa, sabihin nating may basic salary ka na Php 20,000 kada buwan. Sabihin din natin na nag-resign ka sa katapusan ng Nobyembre para nasa 11 na buwan ang iyong naging kabuuang serbisyo sa kompanya ngayong taong ito. Upang makuha mo ang 13th month pay na nararapat sa iyo ay kuhanin mo ang kabuuang halaga ng lahat ng basic salary na natanggap mo ngayong taon bago ka nag-resign.

Kung hanggang Nobyembre ka nagtrabaho bago ka nag-resign ay nakatanggap ka ng Php 220,000 sa loob 11 na buwan. Upang makuha ang mismong 13th month pay mo ay kailangan mong i-divide ang Php 220,000 sa 12, na katumbas ng Php 18,333.33.

 

vuukle comment

COMPANY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with