^

Punto Mo

Galit ng publiko, hindi mapahupa!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hanggang ngayon ay tila hindi pa rin humuhupa ang galit ng taumbayan sa ginawang pamamaril ni P/Senior­ Master Sgt. Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Anthony­ Gregorio noong Linggo sa Paniqui, Tarlac.

Kung nakamamatay lang ang mura at masasakit na salita, eh baka ito na nga ang nangyari sa tinaguriang ‘killer cop’ at hindi na kailangan pa ang panawagang death penalty.

Magngangawa man ito at magsisi hindi na nga maibabaik ang dalawang buhay na nawala nang ganun lang.

Ang siste pa nito, nalagay na naman sa alanganin ang buong­ puwersa ng kapulisan na nadadamay sa pangyayari, kahit pa nga wala namang kinalaman sa naging pag-aksyon ni Nuezca.

Dahil nga rin dito, muling naungkat ang pagbabalik ng parusang kamatayan.

Maraming dapat ang mga sinasabi ng iba’t ibang sektor matapos ang pangyayari.

Marahil sa lahat ng ito, kailangan ngang muling tutukan ang mga reporma sa PNP.

Katulad na lamang ang katotohanan, na sangkaterba na palang kaso ang kinasangkutan ng kontrobersiyal na pulis na ito pero nananatili pa rin sa serbisyo.

Bagama’t nakalusot ito sa ilang kaso na isinampa sa kanya, pero ang malinaw dito muk­hang hindi siya narereporma at lalo pang naging kumpiyansa na kaya niyang malusutan ang anumang kaso. 

May pangangailangan din siguro ang regular na assessment sa performance ng mga pulis.

Kung sino ang tumupad nang maayos kilalanin, kung sino ang nagbalatuba at nadawit sa mga kapalpakan, sa una’y paalalahanan at kung muling umulit dapat ay maagap nang  aksiyunan.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with