^

Punto Mo

Ang breast cancer at mga Pakistani

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SI Bilqees, 32-anyos, Pakistani, may asawa, ay natuklasang may breast cancer. Siya’y isang disenteng babae na lumaki sa isang probinsiya sa Pakistan at pangkaraniwang maybahay. Ginulpi siya ng kanyang mister nang malaman nito na siya ay may breast cancer.

May malakas na paniwala ang buong komunidad ni Bilqees na ang breast cancer ay sakit na nakukuha lamang ng babaeng may masamang moralidad. Kaya’t basta nalamang may breast cancer ang isang babaeng Pakistani, itinuturing na siyang kahanay ng isang puta.

Ang  pinakalider ng relihiyon ay ganoon din ang paniwala. Alam n’yo bang pati ang Pakis­tani medical doctors ay ganoon din ang paniwala? Sa kanilang opinyon, kaya raw marami ang may breast cancer sa US at Europe ay dahil mga makasalanan daw ang mga babae roon na walang nasa isip kundi sex.

Biglang na-isolate si Bilqees sa kanyang pamilya at komunidad. Isa raw siyang kahihiyan. Walang kumakausap sa kanya. Inihiwalay siya ng kuwarto. Lahat ay nandidiri sa kanya. Nakahiwalay ang lahat ng kanyang gamit dahil natatakot ang kanyang kapamilya na baka sila mahawa. Lalong naging usap-usapan sa buong komunidad si Bilqees nang siya’y magpa-mastectomy (pagtatanggal ng suso na may cancer). Simula noon ay tinawag siyang babaing isinumpa.

Mas pinipili ng ibang may breast cancer na ilihim ang kanilang sakit at hintayin na lang ang kanilang kamatayan. Ngunit noong 2004 ay may ilang komunidad at mga lider na nabuksan ang mga mata tungkol sa katotohanan ng breast cancer. Magkaganoon pa man, nakararami pa rin ang mga bulag sa katotohanan. Babaing puta pa rin ang turing nila sa mga kababayan nilang may breast cancer.

vuukle comment

BREAST CANCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with