^

Punto Mo

200,000 pamilya, nabiyayaan ng gift packs ni Mayor Abalos!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

UMAABOT sa 200,000 households sa 27 barangays sa Mandaluyong City ang maagang nabiyayaan ng gift packs ng City government. Mahirap man o mayaman ay tumanggap ng ayuda sa ilalim ng programang Pamaskong Handog ni Mayor Menchie Abalos. Walang gutom sa mga Mandaleño sa panahon­ ng Pasko, ano mga kosa?

Pinangunahan nina Mayor Abalos at asawang dating mayor­ Benhur Abalos ang pagdeliber ng mga gifts packs sa mga barangay. Ang mga taga-barangay operations center naman ang nag-door -to-door ng mga gift packs sa mga nakalistang beneficiaries.

Sinabi ni City chief of staff Jimmy Isidro na hindi lang mga mahihirap ang nabigyan ng gift packs kundi maging ang mayayaman sa posh Wack-Wack subdivision at ‘yaong nakatira sa high-rise buildings at condominiums. Maaring itong gift packs na ang huling ayuda ng City government sa mga Mandaleño sa taon na ito. Hak hak hak!

Buwenas ang mga taga-Mandaluyong dahil may busilak na puso ang pamilyang Abalos sa kanila. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sinabi ni Bro. Jimmy na ang mga gifts packs ay naglalaman ng assorted grocery items tulad ng asukal, canned goods, bigas, kape, at gatas. Sinamahan ito ng facemask at face shield para mailayo ang mga residente na dapuan ng sakit na COVID-19. Noong nakaraang taon, pumipila ang mga residente sa City Hall compound sa Maysilo Circle sa Barangay Plainview para makuha ang kanilang gift packs.

Dahil sa panahon ng pandemya, ginawang door-to-door ang pagpamudmod ng ayuda alinsunod sa health protocols na ibinaba ng Inter-Agency Task Force (IATF), ani Mayor Abalos. «We didn’t want to sacrifice the safety of our constituents since the threat of COVID-19 is still here. It’s the safest way we can continue our traditional gift giving,» ani Mayor Abalos.

Kung sabagay, ang gift giving sa taon na ito ay orderly at ligtas sa kapahamakan sa panahon ng pandemya. Hindi lang ‘yan! Mas malaki ang bilang ng gift packs na ipinamudmod sa taon na ito kumpara last year na inabot lang ng 65,000 na piraso, ani Bro. Jimmy. Kung sabagay, kaya dumami ang bilang na ipinamigay na ayuda ay dahil isinama ang mga mayayaman para wala silang masabi na may pinipili lang ang City government sa tutulungan nila sa panahon ng pandemya, di ba mga kosa?

May mga tsismis pa nga na hindi na matutuloy ang Pamaskong Handogsa panahon ng pandemya subalit pinatunayan ni Mayor Abalos na mali ang agam-agam ng mga Mandaleño. Hak hak hak! Masaya na sa ngayon ang mga taga_Mandaluyong dahil hindi sila pinabayaan ni Mayor Abalos.

Itong gift-giving ay inumpisahan ni dating mayor Benjamin Abalos Sr., mga tatlong dekada na ang nakaraan, ani Bro. Jimmy. Itinuloy ito ni Benhur at maging ng kanyang asawang si Mayor Menchie para ipakita nila ang pagmamahal ng pamilya sa taga-Mandaluyong.

Sa ilalim din ng liderato ng mga Abalos kung saan ang siyudad ay tinaguriang Tiger City dahil sa mabilis na pag-imbulog ng ekonomiya nito. Paborito kasi ng mga big business na magtayo ng negosyo sa Mandaluyong dahil sa «business-friendly ang siyudad.

Abangan!

vuukle comment

GIFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with