^

Punto Mo

Face mask at face shield: Problema sa komunikasyon

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

ISA sa mga implikasyon sa pagsusuot ng face mask at face shield ang nalilikhang problema sa komunikasyon. Maaaring hindi ito problema ng mga normal ang pandinig pero kadalasang hindi gaanong maintindihan ang sinasabi ng isang taong nagsasalita dahil nakaharang sa kanyang bibig ang face mask bukod sa nakaharang din na face shield. Makakakita ka ng mga nag-uusap na nagtatanggal saglit ng face mask kapag hindi sila magkaintindihan.

Sa mga taong may kapansanan sa pandinig, lalong bumigat ang problema nila sa pakikipag-usap kahit pa may suot silang hearing aid dahil lalong naging mahirap maintindihan ang mga salitang binibigkas ng taong nagsasalita sa kanilang harapan. Hindi naman lahat ng makakaharap ng isang may kapansanan sa pandinig ay marunong ng sign language at hindi lahat ng may kapansanan sa pandinig ay marunong sa sign language.

Tumitingkad ang problema halimbawa sa pakikipagtransaksyon sa mga banko halimbawa o botika o supermarket o ospital  o mga pribado at pampublikong tanggapan na ang mga empleyado ay pawang nakasuot ng face mask at face shield o kaya may nakaharang na plastic o salamin. Minsan ngang nagpatingin ako sa isang doktor, sinubukan kong makiusap sa kanya na tanggalin niya ang kanyang face mask pero tumanggi siya sa pagsasabing bahagi iyon ng health protocol kaugnay nga ng pandemya.

Hindi mo nga naman masisisi ang mga empleyado o tauhan ng anumang mga establismento o opisina na humaharap nang naka-face mask o face shield  sa nakaparaming tao dahil kailangan din nilang maging ligtas laban sa COVID-19. Tulad din ng sino mang nakikipagtransaksyon sa anumang mga tanggapan na obligado silang magsuot ng face mask at face shield pagpumapasok sila dito.

Kaya maganda ang sistema ng ibang mga tindahan o establismiyento na gumagamit ng speaker para magkaintindihan sila ng kanilang mga kliyente. Isang halimbawa rito ang sistema ng Manila Electric Company na bawat counter nila ay merong mga speaker para ang mga tauhan nila sa mga counter  na naka-face mask at face shield ay maintindihan ng mga taong nakikipagtransaksiyon sa kanilang tanggapan. Meron din kasing nakaharang na salamin sa pagitan ng teller at kustomer na dagdag-pahirap sa pakikipag-usap-usap kaya malaking tulong ang speaker.

Tinanong ko nga ang isang audiologist kung natural lang ba na hindi gaaong  maintindihan ang taong naka-face mask at face shield habang nagsasalita.  Tumango siya dahil nga may nakaharang sa boses ng nagsasalita.

Sana nga at hindi malayong matapos na ang problemang nalikha ng pandemya. Nakakabanaag na ng pag-asa dahil sa mga naglalabasan at naaaprubahan nang mga bakuna laban sa COVID-19 at sa susunod na taon ay sinasabing maaaring simulant na ang pagpapabakuna dito sa Pilipinas. Sana nga!

-oooooo-

Email: [email protected]

vuukle comment

FACE MASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with