^

Punto Mo

Cash lanes nakabawas sa trapik sa expressways

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Noong Lunes nagsimula nang muling magbukas ang cash lanes sa lahat ng expressways matapos nga ang naging aberya sa pagpapatupad ng RFID partikular sa NLEX.

Dahil sa matinding pagbubuhol-buhol ng trapiko, umaksyon ang mga LGU partikular nga si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na binawi ang business permit ng NLEX sa Valenzuela.

Ilang araw ding nagkaroon ng toll holiday sa mga toll na sakop ng lungsod, dahil nga sa naging sentimiyento naman ng maraming motorista.

Dahil dito, maging ang mga alkalde sa iba pang lugar sa mga lalawigan eh nagbanta na rin nang pag-aksyon kung hindi matutugunan ang problema sa trapiko dahil sa contactless RFID collection system.

Pero ika nga, walang problema na hindi masosolusyunan kung mag-uusap lamang.

Noong Miyerkules binawi na ng Valenzuela ang suspension ng business permit dahil nga nagkaroon na ng mga kasunduan na tutugon sa mga naging aberya.

Tulad nga ng una nating nabanggit maganda ang layon ng contactless collection system, sa mga toll lalo na nga’t malaking banta pa rin ang panganib ng  COVID sa kalusugan.

Gayunman, mukhang ‘di pa sapat ang panahon para sa napakaraming motorsita para agad-agad na makapagpalagay ng RFID dahil nga sa mga binigay na deadline.

Ngayon ngang naglaan ng cash lane sa mga toll ways, kapansin-pansin na bahagyang naibsan ang matinding kalbaryo sa mga nagdaang linggo.

Sana nga lang bago ang full implementation sa contactless collection , eh maglaan pa ng mas maraming lugar para makapagpakabit ng RFID ang marami pang motorist at hindi nagsisiksikan sa illang lugar.

Dati na nga nating nabanggiot na dapat dalhin ito sa barangay at hindi sa isang araw lamang na kabitan.

vuukle comment

RFID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with