^

Punto Mo

Driver sa Indonesia, inaresto matapos nakawin at gamiting pampasuwerte ang lubid na ginamit sa libing ng namatay na kaibigan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG minivan driver sa South Tangerang, Indonesia na nagngangalang Moh Irpan, ay inaresto matapos hukayin nito ang bangkay ng kanyang kaibigan para nakawin ang tali pocong nito at gamiting pampasuwerte.

Ang tali pocong ay ang lubid na ginagamit ng mga Indonesian para hindi matanggal ang puting tela na ibinabalot sa mga inililibing na mahal sa buhay. May paniwala ang ilang Indonesian na mabisang anting-anting ang tali pocong at madalas nila itong gamitin bilang pampasuwerte at pampaakit ng pera.

Ayon kay Irpan, 33, naisipan niyang nakawin ang tali pocong ng namayapang kaibigan na si Suhendra dahil desperado na siya sa pera. Napakaliit ng kinikita niya sa pagmamaneho ng minivan dahil kaunti lamang ang nagiging pasahero niya sa araw-araw.Matapos kumalat sa kanilang lugar ang nangyaring nakawan, inaresto si Irpan at napag-alaman na itinapon na niya sa ilog ang tali pocong bago pa siya arestuhin ng mga pulis.

Ayon sa panayam kay South Tangerang Police Chief Fadli Widiyanto, itinapon ng suspek ang ninakaw nitong tali pocong matapos mapagtanto na hindi naman ito nakapagbibigay sa kanya ng suwerte bagkus, lalo pang tumumal ang dating ng mga pasahero sa kanyang minivan.

Sinampahan ng kasong pagnanakaw si Irpan na may parusang aabot sa isang taon at apat na buwang pagkakakulong.

vuukle comment

DRIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with