^

Punto Mo

Mga magulang may agam-agam sa face-to-face classes

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

May ‘go signal’ na si Pangulong Digong para magsagawa ng dry run sa face-to-face classes sa darating na Enero sa mga piling lugar.

Sisimulan ito sa Enero 11-23 ng taong 2021 na mahigpit na imomonitor naman ng Department of Education (DepEd).

Ang DepEd din ang siyang pipili ng mga iskul na pagdarausan nito.

Pero malamang mga eskuwelahan ito ay sa mga probinsya na mababa lang ang bilang ng kaso ng COVID, mukhang malabo pa ito sa Metro Manila.

May paglilinaw din ang Palasyo ukol dito, na ito ay dapat na maging boluntaryo lamang at kailangan ng permiso ng mga magulang para makasali ang kanilang mga anak.

Pero sa maraming mga magulang, may malaki pa rin silang pangamba na isali o isabak ang kanilang mga anak sa face-to face classes lalo pa nga’t wala pang linaw kung kailan masisimulan sa Pinas ang pagbabakuna sa COVID-19.

Magsimula man, mukhang malabo pang mabigyan ang mga mag-aaral lalo na ang mga menor de edad.

Kung ang ibang bansa, tuluyan nang nagtuturok, sa Pinas wala pang nauumpisahan, na tila marami pang kailangang pagdaanan bago ang tuluyang approval.

Sa maraming pagbabagong ikinakasa ng gobyerno para makabalik na sa normal, ang pinaiintay ng marami eh masimulan na ang bakuna, gayong maraming bansa na ang gumagawa nito.

Hindi naman siguro magiging problema ang pondo dahil na nakalaan na dito bagamat maliit eh handa naman na tumulong at may inilaan na rin namang pondo ang mga local government units para sa kanilang mga constituents na hindi na aasa sa national government. Katulad sa lungsod ng Maynila at Quezon City.

Sakali kasi agad na makapagsimula sa bakuna ito na ang pinakahudyat na babalik na tayo sa normal na wala na ang matinding takot.

Pagbubukas ng negosyo at tuloy ang pagbawi at paglago ng ekonomiya.

Kaya ‘wag nang magpaligguy-ligoy pa, kung pwede na, simulan na, kung ayaw nating mapag-iwanan tayo ng mga karatig nating bansa na umaangkada na ang pagbabakuna.   

vuukle comment

CLASS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with