^

Punto Mo

100 Tips: Life, Beauty & Happiness

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

(Part 8)

1. Dalawang paraan para gumawa ng pampahid sa eczema: A) Paghaluin ang turmeric powder at am ng sinaing. Ito ang ipahid sa eczema. B) Pumili ng pakwan na napakapula ng laman, maitim ang buto at dark green ang balat. Actually, balat lang ang kailangan ngunit mas effective kung ang balat ay mula sa variety na aking binanggit.  Patuyuin sa araw ang balat. Sunugin ang pinatuyong balat hanggang sa maging abo. Paghaluin ang abo ng pakwan at coconut oil. Puwedeng homemade ang coco oil o yung VCO (Virgin Coconut Oil) na nabibili.

2. Nagmumukhang clown kapag makapal  ang eye make-up at super red ang lipstick.

3. Sa paggamit ng lipstick, orange at brown shades ay pinagmumukhang madilaw ang ngipin. Magmumukhang maputi naman ang ngipin kung ang gagamiting shades ay pink, plums, wine.

4. Singitan ng ginusot na dyaryo ang loob ng nabasang sapatos sa buong magdamag upang matuyo ito.

5. Kung nagpatawa ka sa isang umpukan, tapos napansin mong may isang tao na nakatitig pa rin sa iyo kahit tapos na ang tawanan, siya ang taong humahanga sa iyo.

6. Huwag maglagay ng plain yelo sa tsaa, sa halip ay frozen kalamansi ang iyong ilagay. Lumamig na ang iyong tsaa, nadagdagan pa ito ng flavour. Samantalang magiging matabang ang tsaa kung basta yelo lang ang ilalagay mo.

7. Ang unang tinitingnan sa iyo ng taong first time ka lang nakilala ay ang iyong damit at suot na sapatos.

8. Foggy windshield? Mas mainam na ipangpunas ang blackboard eraser kaysa basahan.

9. Para makagawa ng creamy omelette, haluan  ng sour cream or cream cheese ang itlog bago batihin.

10. Ibalot sa aluminum foil ang cheese na natira upang hindi tumigas at tubuan ng molds.

(Marami pang kasunod.)

 

vuukle comment

HAPPINESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with