^

Punto Mo

Sangkaterbang ‘wiper boys’ kalat sa Maynila

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Parang kabute na nagsulputan ang sangkaterbang ‘wiper boys’ sa mga pangunahing lansangan sa lungsod ng Maynila.

Talagang grupu-grupo ang mga ito na ngayon nga ay kinatatakutan na ng maraming motorista.

Mistulang hindi na naman nabantayan ng mga kinauukulan sa lungsod ng Maynila ang pagwalis sa mga ito sa mga lansangan.

Ito yung, bigla-biglang lumalapit sa mga sasakyan na nakahinto sa mga stop light.

Kahit malinis ang windshield ng iyong sasakyan, walang sabi-sabing bubuhusan ng tubig   saka walang pakundagang pupunaspunasan kuno.

Ang siste may pagkakatapon na imbes na lumiwanag lalo pang nagmamantsa dahil sa  kung anong ibinuhos dito.

Eto pa klasik dito, kapag hindi ka nagbigay, may kasamang pananakot at kung hindi man, ala ka, sasakyan ang pagdidiskitahan at gagasgasan.

May ilan naman na napipilitan na ring magbigay dahil sa takot, pero isa pa sa kanilang ipinangangamba sa pagbukas nila sa bintana ng kanilang sasakyan eh ang pagkahawa sa COVID.

Alam ba ninyong karamihan sa mga ito, eh talagang matatapang at matitigas ang ulo. Walang suot na face  mask ang karamihan sa mga yan, may suot man ang kanilang baba na ang tinatakpan.

Kadalasang makikita ang umpukan ng mga ‘wiper boys’ na ito sa panulakan ng Lacson at Espana sa Maynila, sa Roxas Boulvard dyan sa tapat ng Manila Hotel, sa may Taft Avenue at sa iba pang pangunahing lansangan.

Sana ay matignan ito ng mga kinauukulan na ngayon nga ay kinatatakutan ng mga dumadaan.

vuukle comment

MANILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with