^

Punto Mo

100 Tips: Life, beauty & happiness (Part 3)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Nakakasira ng immune system ang pagtulog sa gabi ng 9 na oras o higit pa.

2. Hayaan mong paligiran ka ng “positive people”, nakakahaba ‘yun ng buhay. Lumayo sa toxic people. Sila ‘yung madalas na nagdudulot sa iyo ng anxiety. Nagpapahina sila ng iyong immune system kaya nagiging sakitin ka.

3. May isang rule  para magtagumpay: huwag mong ibibigay ang lahat ng iyong alam.

4. Ang pagkain ng sabaw mula sa pinakuluang buto-buto ng karne ay nakakalakas ng gastrointestinal system or “guts”. Ang guts ay itinuturing na second brain. Ang 90 percent ng “happy hormones” or serotonin ay nakaimbak sa “guts”. Ang sabaw mula sa buto ay nakakapagpalusog ng guts. Kailangan ang healthy guts para maging healthy ang brain.

5. Kung ikaw ay maghihiwa ng maraming siling labuyo, gumamit ka ng gloves. Kung walang gloves, pahiran ng cooking oil ang iyong kamay para hindi kumapit ang “oil” ng sili na nagdudulot ng hindi magandang pakiramdam sa kamay.

6. Kung ikaw ay nagising sa madaling araw at hindi na ulit makatulog, mag-pelvic exercise ka. Paano? Habang nakatihaya sa floor, itaas-ibaba mo ang iyong puwet hanggang sa mapagod at antukin. Marami pang benefits ang makukuha sa exercise na ito kagaya ng pagpapakas ng muscle sa bandang puson—magiging kasiya-siya na sa iyo ang pakikipagtalik, maiiwasan ang prolapse (slipping down of the vagina), maiiwasan ang mahirap na panganganak, erectile dysfunction at urinary incontinence.

7. Mag-aral ng bagong wika.

8. Huwag mag-discriminate. Kumonekta ka sa mga taong alam mong interesadong maki-pagkaibigan sa iyo.

9. Mahalaga na marami kang nalalaman ngunit ilalabas mo lang ito kung kinakailangan. Nobody likes know-it-all.

10. Laging tandaan ang mga taong tumulong sa iyo. Mas mainam kung doble o higit pa ang ibabayad mo sa iyong utang na loob. (Itutuloy)

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with