^

Punto Mo

Maari bang ipagpatuloy ang paggamit ng maiden name sa passport kahit may asawa na?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May ilang katanungan lang po ako ukol sa apelyidong gagamitin ko sa aking passport. Bagong kasal po kasi ako at gusto ko pong malaman kung kailangan ko po bang gamitin ang apelyido ng aking asawa sa aking passport o kung maaari bang panatilihin ko na lang ang aking maiden name.

Kung sakali namang magpasya akong gamitin ang apel­yido ng aking asawa, maaari ko bang ibalik uli ang paggamit ng aking maiden name sakaling magbago ang isip ko? —Nancy

Dear Nancy,

Wala kang obligasyon na gamitin ang apelyido ng iyong asawa. Ayon sa Korte Suprema sa kaso ng Remo v. Hon. Secre­tary of Foreign Affairs, isang option lamang at hindi isang tungkulin para sa isang kasal na babae ang paggamit ng apelyido ng kanyang asawa. Ito’y dahil kapag ikinasal ang isang babae, hindi naman ang pangalan niya ang nagbabago kundi ang kanyang civil status.

Sa kadahilanang ito, maaari siyang mamili sa mga options na nakasaad sa Article 370 ng Civil Code patungkol sa kanyang gagamiting pangalan pagkatapos siyang maikasal: (1) gamitin ang kanyang maiden surname na nakadikit sa apelyido ng kanyang asawa; (2) gamitin ang apelyido ng kanyang asawa bilang kanyang apelyido; (3) gamitin ang buong pangalan ng kanyang asawa at dugtungan lamang ito ng kataga katulad ng “Mrs.”; o (4) ipagpatuloy na gamitin ang kanyang maiden surname lamang.

Base sa nabanggit, maaari mong piliin na ang iyong maiden surname lamang ang nakasaad sa iyong passport. Kung sakali namang magpasya ka na gamitin ang apelyido ng iyong asawa, kailangang panindigan mo na ito dahil hindi basta-basta na makakabalik ka sa paggamit ng iyong maiden surname lamang.

Ayon sa Philippine Passport Act, makakabalik lamang ang isang babae sa paggamit ng kanyang maiden surname kung (1) pumanaw na ang kanyang asawa; (2) napawalang-bisa na ng korte ang kanilang kasal; (3) nakipagdiborsiyo na siya sa lalaki at kinilala na ng hukuman sa Pilipinas ang diborsiyo na ito.

vuukle comment

PASSPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with