^

Punto Mo

Anekdota ng mga sikat

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Zsa Zsa Gabor

Noong kasikatan ni Zsa Zsa Gabor sa mundo ng Hollywood, naging panauhin siya sa isang TV show na nagbibigay ng payo sa mga manonood tungkol sa buhay may asawa. Nag-iimbita ang programa ng mga sikat na artista upang sila ang magbigay ng payo sa mga letter senders. Narito ang problema ng isang dalaga na ang liham ay binasa ni Zsa Zsa:

“Ako ay nakatakdang ikasal sa isang mayamang 30 taon ang tanda sa akin. Gusto kong umurong sa kasal dahil mukhang tatay ko na siya. Kaya lang ay nahihiya akong magsabi na ayaw ko dahil marami na siyang nairegalo sa akin—mamahaling damit, fur coat, diamond ring and necklace, Rolls Royce at stove. Ano po ang dapat kong gawin?”

Maikling-maikli lamang ang sagot ni Zsa Zsa na kilala rin sa kanyang witty and humorous remarks. “Simple…walang kuwentang regalo ang stove kaya iyon ang isauli mo sa kanya!”.

Abraham Lincoln

Noong 1858, ibinoto ng Illinois legislature si Stephen A. Douglas bilang senador sa halip na si Abraham Lincoln. Isang nagmamalasakit na kaibigan ang nagtanong kay Lincoln kung ano ang naramdaman nito:  “Para akong isang bata na tinapakan ang paa ng isang kalaro. Gusto kong umiyak, dahil nasaktan ako, pero hindi ko magawa dahil baka sabihin ay para akong batang iyakin. Hindi  ko naman kayang tumawa kahit pakunwari dahil nasaktan talaga ako.”

Cecil DeMille

Naalarma ang mga producers ng The Ten Commandments nang malaman nilang malaki na ang nagagastos ng director na si Cecil DeMille gayong nangangalahati pa lang siya sa ginagawang pelikula. Nakarating sa magaling na director ang pagrereklamo ng producers kaya nasabi niya:

“Ano ang gusto nilang gawin ko? Tapusin na lang ang pelikula nang wala sa panahon at palitan na lang ang titulo ng The Five Commandments? Hindi dapat sila magkuripot, Bible epic ang ipinagagawa nila sa akin!”

vuukle comment

HOLLYWOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with