^

Punto Mo

Christmas tree sa Australia, may libreng koala

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HUMINGI ng tulong ang isang pamilya sa Australia matapos madiskubre ang kakaibang palamuti na nakasabit sa Christmas tree nila sa bahay.

Ilang oras lang umalis ng kanilang bahay sa Adelaide, Australia ang pamilya McCormick kaya nagulat nila nang dumiretso ang alaga nilang aso sa kanilang Christmas tree at may inaamoy.

Ayon sa 16-anyos na si Taylah, dinatnan niyang nagkalat ang mga palamuti sa sahig at nang tingnan niya ang tuktok ng puno ay doon na niya nakita ang naglalambitin na koala.

Agad tuma­wag ang pamil­ya sa animal rescuers, na noong una’y inakalang nagbibiro lamang sila nang sabihin nilang may isang buhay na koala na naglalambitin sa Christmas tree ng kanilang bahay.

Mabilis na dumating ang rescue team at kinuha sa tuktok ng Christmas tree ang koala bear na napag-alamang isang babae na nasa tatlo hanggang apat na taong gulang.

Marahil daw ay natuwa lang ito sa itsura ng puno ng mga McCormick kaya nito nagawang pasukin ang kanilang bahay at maglambitin sa Christmas tree.

Pinakawalan sa kalapit na kakayuhan ang koala, na ayon sa pamilya McCormick ay susubaybayan na nila mula ngayon.

vuukle comment

CHRISTMAS TREE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with