^

Punto Mo

PMA Class ‘87 sa PNP, todo-suporta kay Sinas!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

TODO suporta ang mga mistah niya sa Philippine Military Academy (PMA) Class ‘87 dito sa liderato ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas. Sa pangunguna ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang Deputy Chief for Admi-nistration (DCA) or No. 2 man ng PNP, nais ng magkaklase na maging matiwasay at matagumpay ang pamumuno ni Sinas.

May 11 miyembro pa ang PMA “Hinirang” Class sa PNP at sinabi ni Eleazar na lahat sila ay nagkaisa na mag-rally sa likod ng liderato ni Sinas, ang 25th PNP chief ng bansa. Nagpasalamat ang klase kay President Digong at pinili ang kaklase nila na si Sinas bilang top PNP brass para may ipagmalaki naman sila sa PMA. Panalangin ng mga kosa ko na sana masundan pa ng isang kaklase si Sinas. Araguuyyyy!

Siyempre, kung tatanungin ang mga kasamahan ko sa media, nais nilang si Sinas ay masundan ni General Eleazar, ang pinaka-senior na sa mga opisyal ng PNP. Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa?

Sa pakipaghuntahan ko sa kanya noong Lunes, ayaw ni Eleazar pag-usapan ang tsansa niyang maging PNP chief. Aniya, isusubsob na lang niya ang sarili sa trabaho sa aspeto ng management ng administration ng PNP, lalo na sa health at well-being ng mga pulis sa panahon ng COVID, para makatulong kay Sinas.

Ayon kay Eleazar, tututukan niya ang lahat na programa ng kaklase niya, lalo na sa internal cleansing at pagtatapos ng backlog ng mga kaso ng pulis. Kaya naman pinangunahan mismo ni Eleazar ang pagsuporta kay Sinas para walisin ang tsismis na may namamagitang rivalry sa mga top brass ng PNP.

Kung sabagay, maliban kay Eleazar, puro Class ‘87 na ang magkasunod sa puwesto ng PNP na sina Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag at Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, ang PNP Deputy Chief for Operations at Chief Directorial Staff, respectively. Ang iba pa nilang kaklase ay nakaupo sa Directorate ng PNP kaya masasabi kong nasa tamang sitwasyon si Sinas, di ba mga kosa? Araguuyyyy! Hak hak hak!

Kaya ‘wag na kayong mangarap mga kosa na gibain si Sinas dahil sa isyung “mañanita” dahil na-pardon na nga siya ni President Digong.

Hinirang naman ni Sinas si Eleazar na bagong hepe ng PNP Admin Support to COVID Operations Task Force (ASCOTF) kung saan pangangalagaan niya ang health concerns ng mga pulis na naka-deploy bilang frontliners. Ang Joint Task Force COVID na dating hawak ni Eleazar ay napunta kay General Binag. Kayang-kaya ni Gen. Binag ang trabahong ‘yan, di ba mga kosa?

Sinabi ng mga kosa ko na baka mag-lie-low muna si Eleazar dahil bilang “darling of the media” baka masapawan niya ang kaklase kapag panay painterbyu niya sa mga isyung kinasangkutan ng PNP. Kahit noong dialogue ni Sinas noong Lunes sa media, sinabi ni kosang Edwin Balasa ng Abante, Lloyd Caliwan ng PNA, at Nick Echevaria ng DWDD na dinumog si Eleazar ng mga miyembro ng PNP Press Corps subalit itinuro ng huli na ang mistah niya ang kausapin. Hehehe! Walang intriga rito ha mga kosa? Araguuyyy! Hak hak hak!

Kung si President Digong at kaklase n’ya sa PMA ay todo suporta sa liderato ni Sinas dapat din sigurong suportahan ng sambayanan ang PNP natin, di ba mga kosa? Abangan!

vuukle comment

DEBOLD SINAS

PMA

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with