^

Punto Mo

Hindi ako susuko (48)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAKATULOG si Reagan sa lilim ng punong banaba. Masyado niyang dinamdam ang mga sinabi ng anak na babae ni Sir Abe. Kahit anong pilit niyang iwasang isipin ang mga panlalait ay hindi niya magawa. Unang pagkakataon na na-katikim siya ng panlalait.

Hindi naramdaman ni Reagan na may taong dumating.

Pinagmasdan pa nito ang portrait ni Sir Abe. Nasa muk­ha nito ang pagtataka habang nakatingin sa portrait.

Hanggang sa ipasya nitong gisingin si Reagan.

Tinapik-tapik ng lalaki ang braso ni Reagan.

“Reagan! Reagan!’’

Dahan-dahang nagmulat si Reagan.

“Tatay!’’

“Bakit narito ka Reagan? Di ba pupunta ka sa burol ni Sir Abe?’’

Napabuntunghininga si Reagan.

‘‘Bakit Reagan? Anong nangyari? May problema ba?’’

Tumango si Reagan.

“Anong problema?’’

Ipinagtapat ni Reagan.

Ang tatay naman niya ang napabuntunghininga.

Naupo ito sa tabi ni Reagan. Naaawa siya sa anak.

‘‘Masasakit pala ang sinabi sa’yo. Hindi ka muna pinagsalita para nakuha ang side mo. Sana binigyan ka ng pagkakataon.’’

‘‘Hindi na ako nakapagsalita, Tatay. Isa pa, natakot po ako. First time na may nagsalita sa akin ng ganun.’’

“Mahirap kasi tayo kaya ang tingin ay mababa.’’

“Di bale Tatay. Hindi pa rin ako susuko.’’

“Ano ang balak mo ngayon na wala nang magpapaaral sa’yo?’’

“Babalik po ako sa pagbebenta ng mga artworks ko. Marami naman pong bumibili.’’

“Sabagay nga. At saka maganda naman talaga ang mga gawa mo.’’

“Basta hindi ako susuko, Tatay. Magpapatuloy ako para makatapos sa pag-aaral.’’ (Itutuloy)

 

 

vuukle comment

HINDI AKO SUSUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with