^

Punto Mo

Proteksiyon ng kagubatan, tamang tugon sa kalamidad

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

LUMUBOG ang maraming lugar sa Luzon bunga ng sunud-sunod na bagyo. Ayon sa mga residente ng Tuguegarao City sa Cagayan, ito ang pinakamalubhang baha na naranasan nila sa loob ng apat na dekada. Sabi naman ng mga taga-Marikina City, mas grabe ang naranasan nilang baha ngayon kaysa noong bagyong Undoy.  Sobrang apektado ang buong isla ng Luzon, mula South hanggang North.

Maraming napagbubuntunan ng sisi. Kasama rito ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam na nasa Magat River, ang pangunahing pinagmumulan ng tubig ng Cagayan River; ang pagbabaw ng mga ilog, kakulangan ng mga babala, at mabagal na pagkilos ng gobyerno. Maaa-ring may basehan ang mga paninisi, pero hindi nito natutumbok ang tunay na ugat ng problema na dapat sana’y siyang sentro ng disaster risk reduction plan ng gobyerno.

Ayon sa ASEAN Center for Biodiversity na nakabase sa Los Banos, Laguna, ang restorasyon at konserbasyon ng kagubatan ng Pilipinas ang dapat maging sentro ng mga plano sa pagtugon sa mga kalamidad. Ipinaliwanag ng center na bukod sa pangangalaga sa atin mula sa epekto ng climate change, ang proteksyon ng ecosystems ay magbibigay sa atin ng mga benipisyo na susi sa ating survival; titiyak sa pagkakaroon ng malinis na tubig at sapat na pagkain, at magsasanggalang sa atin sa maraming uri ng sakit.

Nasampolan tayo ng nangyaring kalamidad sa buong Luzon. Ang kagubatan sa bulubundukin ng Sierra Madre na nakalatag mula Cagayan sa North hanggang probinsya ng Quezon sa South ang pumoprotekta sa malaking bahagi ng Luzon laban sa malalakas na hanging dulot ng mga bagyong nabubuo sa Pacific Ocean. Ito rin ang sumisipsip ng tubig na ibinubuhos ng malalakas na pag-ulan. Ngunit magagawa lamang ito ng Sierra Madre na kumakatawan sa kwarenta porsyento ng ating kagubatan kung ito’y mananatiling isang malusog na gubat. Bakit bumaha sa Luzon?  Malinaw ang dahilan—ang patuloy na pagkakalbo ng kagubatan ng Sierra Madre bunga ng walang-habas na pagtotroso at pagmimina. Nanganganib din ang mga watersheds na tulad ng Upper Marikina River Basin dahil din sa walang-tigil na pagtotroso at pagmimina.

Humahanga ako sa resiliency nating mga Pilipino. Gayunman, hindi dapat itong maging dahilan ng ating pagiging kampante. Hindi pwede ang pwede na kung nais nating mapagtagumpayan ang mga lumalalang kalamidad. Dapat tumbasan ang ating resiliency ng mga pangmatagalagang patakaran at programa sa pangangalaga ng kalikasan. Lahat ng pagsisikap ng gobyerno sa pagpapaunlad ng mga infrastructures ay mawawalan ng saysay kung magagalit ang kalikasan.  Hindi tayo uubra sa galit ng kalikasan.

Noon pang mga nakaraang administrasyon ay dapat nang pinagtuunan ito ng pinakamataas na prioridad. Lahat ng mga nagpabaya, kundi man nagsamantala, ay mananagot sa husga ng kasaysayan.

Ayon sa Global Climate Risk Index 2020, ang Pilipinas, kasama ng Japan at Germany, ang pinakamatinding tatamaan ng climate change. Sa Roma 8:22 ay ganito ang sinasabi, “Alam nating hangga ngayo’y dumaraing ang sangnilikha dahil sa matinding hirap na tulad ng isang nanganganak.”

Sa ngayon ay dumaraing ang sangnilikha, ngunit kung wala tayong gagawin upang pangalagaan ang ating kagubatan, ang pagdaing na ito’y mauuwi sa pagkasawi ng ating bansa. Huwag nawang ipahintulot ng Diyos! Sa balikat nating lahat, nakasalalay ang ating kaligtasan!

vuukle comment

CALAMITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with