^

Punto Mo

Hindi ako susuko (45)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI na sinulyapan ni Reagan ang kabaong ni Sir Abe nang lumabas siya mula sa room kung saan kinausap siya at nilait-lait ng anak na babae ni Sir Abe. Tuluy-tuloy niyang nalampasan ang mga taong nakaupo sa mahabang upuan at nakikiramay. Ilan sa mga ito ang napansin niyang nakatingin sa kanya at sa bitbit niyang portrait.

Hanggang sa makalabas siya mula sa kinabuburulan ni Sir Abe. Saka lamang siya nakahinga nang maluwag. Hindi niya akalain na tatanggap siya nang masasakit ang nanglalait na pananalita sa anak ni Sir Abe.

Parang naririnig pa niya ang mataray na tinig ng anak ni Sir Abe: “Ano ang pinakain mo kay Daddy para gastusan ka sa pag-aaral?’’

Ang sakit !

At isa pang sinabi nito: “Kaya pala naubos ang pera ni Daddy ay dahil ginastos sa pag-aaral mo. Sa halip na ibigay sa mga apo niya ay sa iyo ginastos!”

Ang hapdi!

Hindi naman siya makapangatwiran kanina. Wala siyang masabi. Ano ba ang sasabihin niya.

Hinayaan na lamang niyang bugbuhin siya ng masasakit na salita.

Huminga nang mala­lim si Reagan at saka ibi­nuga para mawala ang naipong sama ng loob sa dibdib.

Saka dahan-dahan siyang naglakad. Uuwi na siya. Hindi na siya dapat magtagal pa sa lugar na ito.

Nang biglang may tumawag sa kanya.

“Reagan! Reagan!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

HINDI AKO SUSUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with