^

Punto Mo

Ang bagyo at mga ‘dorobo’

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Tuluyan nang isinailalim sa state of calamity ang buong Luzon matapos na aprubahan ni Pangulong Digong ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ito ay matapos ang tatlong nagdaang magkakasunod na malalakas na bagyo na lubhang naging mapaminsala sa mala-king bahagi ng bansa.

Hindi maikakaila na  marami nating mga kababayan ang nawalan ng ari-arian, kabuhayan at sa ilan may binawian pa ng buhay.

Dapat nga lang na sa ganitong panahon at pangyayari mapakilos o mamobilisa ang lahat ng kakayahan at logistic ng pamahalaan para maabot ang tulong at ayuda sa mga naapektuhan.

Sa ilalim  ng state of calamity, awtomatiko ang prize freeze. Dapat walang taas presyo lalo na sa pangunahing bilihin, ito ang dapat na mabantayan ng DTI, kung maaari nga patawan ng mabigat na parusa ang mga trader  na magsasamantala sa pangyayari.

Dagdag na pondo rin marahil ang kailangan ng mga local governmemt units na lubhang naapektuhan sa nagdaang kalamidad buhat  sa pamahalaang nasyunal.

Nauna nang nagpalabas ang DBM ng nasa   P1.5-B para sa mga LGUs na inamin naman nila na hindi pa ito sapat dahil nga sa lawak ng pinsala na sinalanta ng mga bagyo.

Mistulang bayanihan na ang nagaganap dahil sa pag-aabot ng tulong ng iba’t ibang grupo, organisasyon at foundation sa mga nasalanta, kahit pa nga mga indibiduwal, nagpapahatid rin ng ayuda.

Dito talaga maasahan ang mga Pinoy, kahit mahirap kapag nakita ang kapwa Pinoy sa ganong kalagayan mabilis maantig ang damdamin, kaya tutulong at tutyulong yan.

Pero eto , kung may nagmamalaskit meron din nananamantala.

Nagbabala na ang mga awtoridad sa pagkilos ng sindikato na nanghihingi ng donasyon para sa mga biktima ng bagyo.

Kung sinu-sinong mga pangalan ang ginagamit ng mga ito para makalikom. Biruin ninyo, nasalanta na nga, gagamitin pa sa kanilang modus.

Klasik talaga ang mga ito, kaya dapat itong pag-ingatan dahil ang nakukuha ng mga ito hindi napupunta sa mga biktima kundi sa kanilang bulsa.

Talaga nga naman yatang sa lahat ng pagkakataon may babagon at babangong mga ‘dorobo’.

Ang mga ito ang dapat na tangayin ng baha at mabaon sa makapal na putik.

 

vuukle comment

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with