^

Punto Mo

Mga negosyante, ginogoyo ang mga biktima ng bagyo!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI lang kalamidad ang sumasalanta sa mga Pinoy kundi maging ang mga mapagsamantalang negosyante. Ginogoyo ng mga ito ang ating mga kababayan sa Bicol Region at Cagayan Valley na binugbog ng magkakasunod na bagyo, kasama na ang bagyong Ulysses.

Dahil lubog sa baha ang mga bahay sa nabanggit na mga lugar, maraming area ang walang kuryente kaya minabuti ng iba na bumili ng generator sets para magkailaw sila at lumamig ang kuwarto nila. At dahil alam nilang maglalabas ng pitsa ang mga kababayan natin na apektado ng mga bagyo, aba itinaas naman ng mga negosyante ng abot-langit ang presyo ng paninda nilang generator sets.

Sinabi ng mga kosa ko na dati ang maliit na generator set ay nagkakahalaga lang ng P6,500 subalit nang dumaan ang bagyong Ulysses, aba naging P9,500 na ito. Hindi lang ‘yan! ‘Yung medyo malaki naman ay dating P11,000 ang presyo subalit sa ngayon ay P20,000 na.

Hanggang sa ngayon, marami pang area sa Bicol Region, Cagayan Valley at maging sa San Mateo, Rodriquez, at Cainta sa Rizal at Marikina ay wala pang kuryente kaya marami pang sinalanta ng bagyo ang bibili ng generator sets, at malaki ang pitsang mapupunta sa bulsa ng mga negosyante, di ba mga kosa? Araguuyyyy! Hak hak hak! May konsiyensya pa kaya ang mga negosyante?

Kung sabagay, nagpalabas naman ng warning si Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na dapat mag-ingat ang mga Pinoy sa paggamit ng generator sets dahil baka maging mitsa pa ito ng buhay nila. Sa isang press briefing, sinabi ni Vergeire na hindi dapat sa loob ng bahay ilagay ang generator sets dahil baka balutin ito ng carbon monoxide at mamatay o mawalan ng malay ang makasinghot nito. Get’s n’yo mga kosa?

Ginawa ni Vergeire ang warning matapos mamatay ang tatlo katao at walo pa ang nawalan ng malay sa dalawang bayan sa Albay matapos masinghot ang carbon monoxide na ibinuga ng generator sets sa kanilang mga kuwarto. Araguuyyyy!

Sinabi ni Col. Tom Ibay, Albay provincial director na natagpuang patay sina retired cop Digna Cas at anak na si Diona, 39, sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Dapdap, Tiwi noong Nob. 14, samantalang si Rosario Buenabente, 88, ng Bgy. Cabunturan, Malinao ay namatay sa ospital. Walo pa ang naisugod sa ospital dahil sa pagkahilo at pagsusuka at silang lahat ay ligtas na ayon sa doktor na tumingin sa kanila, ani Ibay. Sa kanilang imbestigasyon, lumalabas na ang generator sets ng mga biktima ay nakalagay sa loob ng bahay kaya nalanghap nila ang usok na ibinubuga nito sa mahabang panahon na umaandar ito, ang dagdag pa ni Ibay. Ano ba ‘yan?

Nanawagan naman si Vergeire na ang generator set ay dapat ilagay sa distansiyang 20 metro sa labas ng bahay para maiwasan ang peligro na dulot ng ibinubuga nitong gas fumes. Ipinaliwanag niya na ang carbon monoxide ay odorless at hindi nakikita kaya hindi namamalayan ng mga biktima na nalagay na sa alanganin ang buhay nila. Araguuyyyy!!

Sa tingin ko naman mga kosa ang pinaka-solution sa problemang ito ay ‘wag na lang bumili ng generator set ang mga Pinoy at tiisin na lang ang init. Ligtas pa sila. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Abangan!

 

vuukle comment

BUSINESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with