^

Punto Mo

Sino ang maaring makatanggap ng separation pay?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Matagal na po ako sa kom­panyang pinapasukan ko ngunit nagbabalak na akong mag-resign dahil simula nang magka-pandemic ay laging delayed na ang aming sahod. Iniisip ko lang po kung makakatanggap ako ng separation pay kapag ako ay nag-file na ng resignation. —Mandy

Dear Mandy,      

Ang karapatan ng isang manggagawa sa separation pay ay nakadepende sa dahilan ng kanyang pagkakawalay sa trabaho. Kung ang dahilan ng pagkakahiwalay sa trabaho ng isang empleyado ay sa isa sa mga nakasaad sa Article 297 at 298 ng Labor Code katulad ng tulu-yang pagsasara ng kompanya o dahil sa pagbabawas ng empleyado upang makatipid sa gastos at makaiwas sa tuluyang pagkalugi ang kompanya, ay kailangan siyang bayaran ng kanyang employer ng separation pay.

Sa kaso mo, hindi ka makakatanggap ng separation pay dahil ang pagre-resign o ang kusang pag-alis sa trabaho ay hindi kabilang sa mga nakasaad na dahilan sa Labor Code na magbibigay karapatan sa isang empleyado para makatanggap ng separation pay mula sa kanyang employer.

Hindi naman ibig sabihin nito ay ipinagbabawal ng batas ang pagbibigay ng separation pay para sa mga nag-resign dahil kung may nakasaad sa employment contract o sa collective bargaining agreement sa pagitan ng mga empleyado at ng kompanya na makakatanggap ng separation pay kapag ang empleyado ay nag-resign ay kailangan itong sundin. Maaari ka ring makatanggap ng separation pay kung matagal nang practice ng kompanya ang pagbibigay nito o ng anumang halaga sa mga kusang umaalis na empleyado. Sa mga nabanggit na pagkakataon, kailangan kang bigyan ng separation pay base sa employment contract, collective bargaining agreement, o sa naging practice ng kompanya para sa mga nagre-resign na empleyado nito.

vuukle comment

SEPARATION PAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with