^

Punto Mo

Puting pusa

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NANGANAK ang pusang alaga ng isang pamilya. Kaso hindi sa kanilang bahay nanganak kundi sa garden ng kapit­bahay. Ewan kung bakit naisipan ng inahin na doon ma­nganak. Tatlo ang naging anak na pulos puti ang kulay with matching blue eyes.

May paniwala ang pamilya na good luck ang bitbit ng puting pusa. Ganoon din ang paniwala ko. Noong araw sa probinsiya, may pusang snowhite na basta na lang sumulpot sa aming bahay. Hindi namin alam kung saan galing. Inalagaan namin ito hanggang sa dumami ang kanyang lahi.

Lumipas ang ilang taon, natupad ang pinakamimithi naming mag-anak na magkaroon kami ng sariling bahay. Nang lumipat kami ay kasama rin namin ang santambak na pusa mula sa lahi ni Snowhite. Gumaan ang daloy ng suwerte sa aming buhay simula nang ampunin namin ang pusang snowhite.

Hindi pa nagtatagal ang pananatili ng mga kuting sa garden ng kapitbahay, agad sila hinakot ng pamilyang may-ari sa kanila. Isang kapitbahay ang nakakita at nakiusap na hingin ang isa. Kaso tumanggi ang may-ari. Bata pa raw ang mga kuting at kailangan pa nitong sumuso sa ina. Pero sa totoo, idinahilan lang ‘yun at talagang wala silang balak na ipamigay ang mga cute na kuting.

Malalaki na ang mga kuting nang isang araw ay nagkaroon ng matinding away ang mag-asawa. Dinig na dinig ng mga kapitbahay ang sigawan. Sabagay hindi na bago ang mga ganoong­ eksena sa mga kapitbahay dahil mga eskandaloso at eskandalosa ang pamilya. Magulo silang pamilya. Laging nagtatalo at madalas nagdudulot ng ingay sa mga katabing bahay. Malala ang pinag-awayan ng mag-asawa na naging mitsa para lumayas ang lalaki.

Pagkaraan ng tatlong buwan, ang ina ng babae na kapisan nila sa bahay, ay namatay sa bangu­ngot. Bigla tuloy naitanong ng mga kapitbahay habang sila ay nagkukuwentuhan: Nasaan ang sinasabing good luck na dulot ng mga ipinagdamot nilang puting pusa?

“The only way you can make sure you always have good luck is to always do good.”  — ­Matshona Dhliwayo

           

 

vuukle comment

CAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with